Pagkatapos naming kumain ng dinner ay nag-paalam na si Nurse Aira na aakyat na raw sa hotel room niya. Inaya niya pa nga ako para daw makapag-pahinga na ngunit humindi ako dahil parang gusto kong uminom, gusto kong maglasing. Bumugtong hininga ako, hindi na nga ako kumain kaninang tanghali ay kakaunti pa ang kinain ko ngayong hapunan sa kadahilanang wala akong gana.
Natagpuan ko nalang ang sarili kong na sa loob ng isang exclusive bar. Nagorder ako ng ibat-ibang klase ng matatapang na alak. Katulad nalang ng taquila at margarita, yung lalaking waiter nga na nag serve ay parang hindi makapaniwala. Hindi ko naman siya binigyang pansin, mas natuon ang atensyon ko sa alak ng isalin kona ito sa basong may lamang yelo.
Sa totoo lang ay halos hindi ko na matandaan ang lasa nito, dahil ang huling inom kopa ay noong naghiwalay kami ni Reev, noong panahong broken hearted pa ako. nakakatawa lang isipin na sa muling pag-inom ko ay magiging siya ulit ang dahilan. Sobrang bigat ng dibdib ko, parang namamanhid sa sobrang sakit.
Mabilis kong nilagok ang alak, napangiwi ako ng gumuhit sa lalamunan ko ang mapait na lasa nito. Habang nagi-inom ay sumulyap ako sa dance floor sa ibaba, halos mapuno ito sa dami ng sumasayaw. May mga naghahalikan din sa gilid, kumikislap ang party lights, pero kitang kita ko pa rin ang pangyayari doon dahil sa VIP kasi ako pumwesto.
Dumaan ang halos isang oras at naramdaman ko na ang pag-alon ng aking paningin. Hindi pa naman ako lasing pero aminadong medyo tinatamaan na. Hindi ko na rin namalayan kung nakailang shot na ako basta't ang alam ko ay masyado kong nae-enjoy ang pag-inom kahit mag-isa naman ako.
"Can i join you?" napatuwid ako ng pagkakaupo ng marinig ko ang boses niya.
Shit, ano nanamang ginagawa niya dito?
Dahan dahan akong nag- angat ng tingin. Napalunok ako ng mag-tama ang mata namin, tulad ko ay may hawak rin siyang baso nakatitig siya sa'kin, mukhang hinihintay niya ang aking sagot. Wala naman akong choice kung hindi tumango.
Umupo siya sa sofa kung saan ako nakaupo. Hindi ako kumibo dahil hindi naman kami sobrang dikit, tumabi siya sa'kin pero may distansya pa rin naman. Nilagok ko ang laman ng aking baso ng hindi siya nililingon kahit ramdam ko ang titig niya.
"Why are you alone?" he broke the rather long silence.
Tumikhim naman ako. "For having fun?" Patanong na sagot ko.
"You don't look like you're having fun. . like you have a serious problem,"
"Wala akong problema." mabilisang sagot ko.
"Really?" tila nanunuya ang kaniyang boses. "You know, it's not good if you drink alone, paano na lang kung malasing ka?" bakas ang pagkairita sa boses niya. "Why are you drinking, is there a problem or did you fight?"
Pinagaawayan o problema namin nino?
Bumuka ang bibig ko. Gusto ko sanang sumabat pero muli siyang nagsalita.
"Where's your husband, anyway?bakit ka niya hinahayaang mag-inom mag-isa?" dagdag pang tanong niya at lumagok din sa sarili niyang baso.
Husband?sino bang nagsabi sa kaniya na may asawa na ako?
"Gusto ko ngang magsaya ng mag-isa." giit ko.
"Magsaya ng mag-isa?" sarkastikong tanong niya. "Nasaan ba kasi ang asawa mo at hinahayaan ka niyang mag-bar mag-isa?hindi ba niya naisip na pwede kang mapahamak?"
Kumunot ang noo ko. "Bakit kaba sumisigaw, galit kaba?" napansin ko kasi na tumaas ang boses niya.
"I-i'm sorry, nag-alala lang naman ako sa'yo. ." huminahon ang boses ko. Rinig na rinig ko ang pagbugtong hininga niya. "Hindi ka ba hahanapin ng asawa mo, lumalalim na ang gabi," hindi ko maiwasang marinig ang pait sa tono ng pananalita niya.
YOU ARE READING
Our Yesterday Promise (Yesterday Series #1)
RomanceZaffira Solene is beautiful, kind, talented, and smart. She comes from a powerful and wealthy family, and she's never been jealous of what others have because even if she doesn't like it, she gets it. Her parents raised her with a good heart, instil...