R-18.
Wait, ilang taon kana?minor ka?pwes tsupi, minor is not allowed. Charot. Pwede mong basahin basta't wag mong gagawin, okay?
----
"Ate Dra. ." agad akong napalingon sa pinanggalingan ng boses at agad na natamaan ng mata ko si Lea na na tumatakbo patungo sa aking pwesto, napangiti naman ako at sinalubong siya.
"Hello, Lea. ." hinaplos ko ang kaniyang kulot na buhok.
"Good morning ate, passnsya kana ngayon lang ulit kita nadalaw. ." ngumiti ito.
"Oo nga, halos dalawang linggo kitang hindi nakita,"
Ngumuso naman ito. "Nagkasakit po kasi si nanay nung nakaraang linggo. Nag trangkaso po siya kaya hindi po kami pwedeng pumasyal ng ate Rea ko dahil kami po muna ang nagtulungan sa trabaho ng nanay," paliwanang nito.
Bigla akong nag-alala. "Ganun ba?kamusta na ang nanay mo?"
"Wag na po kayong mag- alala, ate maayos na po siya. Malakas na din," bibong sagot nito.
Nakahinga naman ako ng maluwag. Wala na kasi ang mga kasamahan kong doctor, dahil nakabalik na sila sa hospital namin mula dito sa palawan, apat na araw na ang nakakaraan. Tapos naman na kasi ang medical mission namin, maging si Aira ay naka-alis na din at tanging ako nalang ang naiwan dito. Nanghingi kasi ako ng 15 days vacation leave para naman maka- pag relax at maka-pag pahinga, wala naman akong narinig na tutol kila mommy at daddy, ang sabi pa nga ni daddy mabuti daw at naisipan ko, puro nalang raw kasi ako trabaho. Halis makalimutan ko na ang sarili ko.
Mahigit isang linggo na din akong kinukulit ni Reev. Halos nagawa na din namin lahat ng beach activities dahil araw araw nga ay magkasama kaming dalawa. Yun nga lang ay hindi ko maintindihan kung ano nga ba kami, masasabi kong masaya kami pero hindi pa kami nagbabalikan, wala rin akong naririnig sa kaniya tungkol doon kaya hindi kona binuksan pa.
"Ate, alam mo po ba nakita ko ulit yung gwapong kuya. . Kaya din maaga akong naakapunta dito kasi po pinakyaw niya lahat ng paninda ko ngayon," pagmamalaki niya.
"Nakita mo pala siya, akala ko ba ipa-pakilala mo sa'kin. Dapat isinama mo," biro ko.
Kumamot naman siya sa buhok. "Hindi na daw po pala siya pwede,"
Humalakhak ako. "Bakit daw?"
"May asawa na daw po siya."
"Ay, ganun ba?sayang naman. ." kunwari'y nanghihinayang ako.
Ngumuso siya. "Maglakad lakad nalang tayo dito sa dalampasigan, ate. . malay mo nandito na yung forever mo,"
Wala na akong nagawa ng hawakan niya ang kamay ko. Katulad ng gusto niya ay naglakad lakad kami, hindi ko maiwasang matuwa ng makita ko ang masayang masayang reasksyon ng mukha niya. Naalala ko rin kasi si Ziva sa kaniya, siguro kung buhay pa si Ziva ay magkaedad siguro sila.
"Ate. ."
Bumalik ang tingin ko kay Lea ng maramdaman ko ang marahang pagkalabit niya. Mukhang kanina niya pa ako kinausap pero masyado akong pre-occupied. Bumaba ang tingin ko sa kaniya at nakita kong nakatingin siya sa akin.
"Hmm. Ano yun?"
"Okay ka lang po ba?kanina pa po kita kinakausap eh."
"O-okay lang, ano nga ulit yung sinasabi mo?"
"Tinatanong ko po kung bakit wala ka' pa pong asawa. Hindi kapa ba po nagkakaroon ng boyfriend?"
Natawa naman ako at pinisil ang pisngi niya. "Nagkaroon na po, dalawang beses pa. ."
YOU ARE READING
Our Yesterday Promise (Yesterday Series #1)
RomanceZaffira Solene is beautiful, kind, talented, and smart. She comes from a powerful and wealthy family, and she's never been jealous of what others have because even if she doesn't like it, she gets it. Her parents raised her with a good heart, instil...