"Zaffira, okay ka lang?"
Tumango ako. "O-oo,"
"Ilang araw ka ng wala sa sarili, Zaff. Hindi lang ako ang nakakapansin non, pati sila Angel, Paul at Krisha, napapansin na rin." bumugtong hininga si Zale.
"Zale. . mag dadalawang linggo na kaming hindi nagkikita ni Reev, sinubukan ko siyang tawagan pero hindi sumasagot, sa text naman hindi nagrereply, nagpabalik balik na din ako sa building nila pero ni isa sa mga kaibigan niyo walang nakaka-alam kung nasaan siya dahil ang sabi nila isang linggo na daw hindi pumapasok," wala sa sariling sabi ko. "Zale, alam kong kahit madalas kayong mag-asaran ni Reev, ikaw ang bestfriend niya. . Baka alam mo kung nasan siya?" nagiinit ang sulok ng aking mata.
Bumugtong hininga si Zale. "Zaff, hindi ko talaga alam kung nasan siya, ang huling usap namin ay yung time na may samaan kayo ng loob." umiwas siya ng tingin. "Pinagsabihan ko siya na dapat ayusin niya na yung problema niyo. . pero nagalit siya sa'kin, ang sabi niya wag daw akong makielam at makisali."
"Sinubukan ko siyang puntahan sa bahay nila ang sabi ng katulong araw -araw naman daw siyang pumapasok dito sa university, katulong lang ang nakausap ko dahil na sa florida daw si tito Ethan at Tita Jessica kasama si Jeniah dahil may aasikasuhin sila." yumuko ako.
Inakbayan niya ako. "Baka may problema lang siya, Zaff. Mahal ka niya, baka may pinagdadaanan lang."
"Girlfriend niya ako, Zale. Kung may problema siya dapat sakin siya mag sabi, diba?" tanong ko. "Tsaka, ano namang problema niya?"
"Hindi ko din alam, Zaff. ."
Kinagat ko ang labi ko. Gustong gusto kong umiyak dahil sobrang bigat ng dibdib ko. Exam na sa isang araw pero hanggang ngayon wala pa rin ako sa sarili, ni hindi kona nga maharap mag-review. Habang naglalakad pababa ng building ay namayami ang katahimikan samin ni Zale.
"Ang tahimik mo naman, Zaff. . Di ako sanay," bulong ni Zale.
"Sorry may iniisip lang. ."
"Wag kang masyadong mag pa-stress at mag-isip, malapit na ang exam yun muna ang pagtu-unan mo ng pansin."
Tumango ako at hindi na ulit kumibo pa. Wala ng gaanong istudyante. may mangilan-ngilan pero hindi ganun karami. Nahuli kami ni Zale dahil inutusan kami ni Mrs. Belinda na ihatid sa office ang mga questionaire ng exam para sa susunod na araw. Bumalik din kami ng building dahil binalikan namin sa classroom ang bag namin.
"Uuwi kana ba?" tanong ulit ni Zale.
"Malamang, Zale. . Saan pa ba ako pupunta?" tumaas ang kilay ko.
"Sama ka muna sa'kin. ."
"Saan tayo pupunta?"
"Ice cream, libre mo'ko."
"Tigas ng mukha ah?" sinamaan ko siya ng tingin.
"Joke. . Libre kita, para hindi kana malungkot."
Gulat ko naman siyang tinignan. Kumunot ang noo niya ng hipuin ko siya sa noo at leeg.
"Wala ka namang lagnat?"
"Huh?" naguguluhang tanong niya.
"Nakapa-imposible lang kasi, sa buong taning ng buhay mo never ko pang narinig yan sa'yo. Ngayon pa lang,"
Mahina niya namang hinampas ang kamay kong nakasalat sa leeg niya.
"Dami mong sinasabi, kung ayaw mong i-libre kita, eh di wag." sumimangot siya at binaklas ang pagkaka-akbay sa'kin.
Namilog ang mata ko ng mag-umpisa na siyang humakbang palayo sakin. Mabibilis ang hakbang niya dahil mahaba ang pata niya. tumakbo naman ako para habulin siya. Bumaba ang tingin niya sa kamay kong nakahawak sa braso niya, hingal na hingal ako.
YOU ARE READING
Our Yesterday Promise (Yesterday Series #1)
RomanceZaffira Solene is beautiful, kind, talented, and smart. She comes from a powerful and wealthy family, and she's never been jealous of what others have because even if she doesn't like it, she gets it. Her parents raised her with a good heart, instil...