"Zaff?"
Nagtaas ako ng kilay at nilingon si Zale na nakaupo sa tabi ko.
"Ano?"
"Pakopya ako sa quiz sa biochemistry mamaya," bulong niya.
Ngumiwi ako. "Ayaw ko nga,"
"Sige na, ililibre kita."
"Ayaw ko pa rin." ngumiwi ako. "Bakit kasi hindi ka nag review?"
"Grabe ka naman, nag practice kasi kami ng basketball. Alam mo naman mainit ang ulo ni Ethaniel sa ex mong taga kabilang university. Gustong gusto niyang talunin yun."
"Oh tapos?ano gagawin ko?"
"Pakopyahin ako."
"Tigas talaga ng mukha mo,"
"Ganun talaga pag gwapo, Zaff."
"Manahimik ka Zale,"
"Pero papakopyahin mo ako?"
"Hindi pa rin." dinilaan ko siya. "Bakit kasi mas inuna mong mag practice kaysa mag review?"
"Sorry na, okay?next time magre-review na talaga ako." ngumuso siya. "Pakopyahin mo na ako, promise Zaff last na 'to."
"May magagawa pa ba ako?" pagtataray ko.
"Yown!the best ka talaga, Zaff. Pakiss nga," aniya pero mabilis kong inangat ang kamao ko.
"Itong kamao ko, baka gusto mong halikan?" banta ko.
Mabilis niyang nilayo ang sarili niya sakin at nagkunwaring yumakap sa hangin. Napailing nalang ako at umayos sa pagkakaupo.
Nababaliw na siya.
Nang dumating na ang prof namin sa biochemistry ay panay ang kalabit ni Zale sakin lalo na ng masimula na ang quiz namin. Medyo kinakabahan pa ako tuwing medyo inaangat ko ang yellow pad ko dahil baka mahuli kaming dalawa ng prof at palabasin sa classroom.
"Hindi ko makita yung number 21," mahinang asik niya.
Pasimple ko naman siyang siniko dahil napalingon samin ang ibang kaklase namin. Napalunok ako at nag-angat ng tingin kay Mr. Maduli, nakahinga ako ng maluwag dahil mukhang hindi niya naman kami napansin.
Muli kong ibinalik ang paningin ko sa papel. Identification ang quiz namin kaya't kailangan kong basahin ng mabuti para masagutan ng tama. Mabuti nalang at nag review ako kaya hindi ako masyadong nahihirapan sa bawat katanungan.
Inabot ng mahigit isang oras ang quiz namin sa biochemistry bago kami tuluyang natapos lahat. Nag-inat inat ako ng mag-paalam ng aalis si Mr. Maduli.
"Ang dali ng quiz, yun na yun?hindi man'lang ako nahirapan." mayabang na sabi ni Zale.
Pinukol ko siya ng masamang tingin pero pumito-pito lang siya.
"Ang kapal talaga ng mukha mo, sana pala hindi kita pinakopya,"
"Alam ko namang hindi mo ako matitiis, Zaff. Sa gwapo kong 'to?"
"Saan?"
"Huh,"
"Saan banda?"
Kitang kita ko naman ang mabilis na paglalaho ng ngiti niya. Napalitan ito ng simangot.
"Sama ng ugali mo," maktol niya.
"May mas isasama pa yan, Zale. Kaya wag mo akong binubwisit,"
Nagpatuloy kami sa pag-aasarang dalawa hanggang sa dumating na ang prof namin sa last subject. Medyo nakahinga ako ng maluwag dahil tanging discussion lang ang ginawa namin sa isang oras, akala ko kasi kanina ay magqui-quiz din kami dahil araw ngayon ng biyernes.
YOU ARE READING
Our Yesterday Promise (Yesterday Series #1)
RomanceZaffira Solene is beautiful, kind, talented, and smart. She comes from a powerful and wealthy family, and she's never been jealous of what others have because even if she doesn't like it, she gets it. Her parents raised her with a good heart, instil...