"Take care of my baby girl, Reev. ." paalala ni daddy na may mapanuksong tono.
"Dad, i'm not a baby. ." iritadong singit ko pero tinawanan niya lang ako.
"Ikaw ng bahala sa unica hija namin, Reev. Medyo pasaway yan kaya baka sumakit ang ulo mo."
"Mom!"
"What?" tumatawang tanong ni mom kaya sinimangutan ko lang siya.
Narinig ko ang pag-tawa ni Reev kaya pakiramdam ko ay umakyat lahat dugo ko sa aking mukha. Nilingon ko naman siya at sinamaan ng tingin kaya tumikhim siya at natigil sa pag tawa.
"Don't worry tita, tito. . ako na pong bahala kay Zaffira. ." binigyan niya ako ng mabilisanng sulyap. "Wag po kayong mag-alala hindi ko po siya pababayaan at hindi ko rin po hahayaan na pasakitin niya ang ulo ko," halata sa boses ni Reev ang pagbibiro.
"Mag-iingat kayo," paalala ni mom at hinalikan ako sa pisngi.
"Reev, may tiwala ako sa'yo." maka- hulugang sabi ni daddy at tinapik si Reev sa braso.
"Yes tito," sinserong ngumiti si Reev.
Hindi na ako nagulat ng humakbang si daddy palapit sa'kin at dampian ako ng halik sa noo.
"Enjoy. ." bulong ni daddy at marahang hinaplos ang aking buhok.
"I will dad. Thank you po sa pag payag niyo ni mom,"
"Anything, Solene. . alam kong hindi mo sisirain ang tiwala ko,"
Lumalad ang ngiti ko. "I love you, dad."
"I love you, Solene."
"Tama na ang drama, ang mabuti pa tumuloy na kayo. . Anak, i-update mo ako ka'pag nakarating na kayo, okay?" sambit ni mom.
"Yes, mom."
"Tito, tita. . We have to go." paalam ni Reev.
"Okay, mag-ingat kayo." ngumiti si mom. "Solene, yung paalala ko, okay?"
Ngumuso ako. "Yes, mom."
Pagkatapos naming magpaalam kay mom at dad ay sabay kaming pumasok ni Reev ng kaniyang ford. Naipasok niya na kasing kanina ang mga gamit namin bago kami tuluyang magpaalam. Hindi naman mawala ang malapad kong ngiti ng na sa byahe na kami, hindi ko kasi inaasahang totohanin talaga ni Reev yung pinangako niya sa'kin bago mag exam na dadalhin niya ako sa isang lugar na pwede akong mag relax.
Tapos na ang finals kaya tapos na rin ang pag papa hirap samin. Makakahinga na ako ng maluwag dahil tanging singning clearance nalang ang aasikasuhin sa susunod na linggo. Wala naman anong dapat ayusin sa aking grado dahil lahat naman yun ay matataas, isa pa ay isa ako sa nakapastil sa bulletin board na nakapasok sa dean's list kaya tuwang tuwa sila mom at dad.
Hindi sa pagmamayabang ay hindi naman na yun bago sa'kin dahil mula ng magimula akong mag-aral ay lagi naman talaga akong na sa honor. Madalas ko rin kalaban si Reev dahil academic rival kami mula pa elementary. Pareho din kaming nag graduate ng elementary na highest honor ganun din noong junior high pero hindi na kami close noon dahil nga sa pangyayaring pag-amin niya sakin. Noong tumuntong kami ng senior high ay hindi na kami naging magkaklase pa dahil magkaiba na kami ng strand na kinuha, nag STEM kasi ako samantalang nag ABM naman siya.
"What are you thinking?" tanong niya dahilan para bumalik ako sa wisyo.
"Wala naman, naalala ko lang kasi dati noong elementary palagi tayong nag-aaway."
"Correction. Palagi mo akong inaaway," pagtatama niya.
"Bakit kasi lagi mo akong inaasar?"
"Paanong hindi kita aasarin, yun lang paraan ko para mapansin mo." sikbat niya. "Hirap na hirap akong kunin ang loob mo tapos nung naging mag bestfriend na tayo at umamin akong gusto kita binasted mo'ko." masama ang loob na dagdag niya pa dahilan para matawa ako.
YOU ARE READING
Our Yesterday Promise (Yesterday Series #1)
RomanceZaffira Solene is beautiful, kind, talented, and smart. She comes from a powerful and wealthy family, and she's never been jealous of what others have because even if she doesn't like it, she gets it. Her parents raised her with a good heart, instil...