"Tangina, Zaffira nasaan ka?" tanong ni Zale mula sa kabilang linya.
"Basta. ." mahinang sagot ko.
"Zaff, ilang exam na ang hindi mo nai-take, alam kong may pinagdadaanan ka pero wag naman ganito, naapektuhan na yung pag-aaral mo sa ginagawa mo. . Finals na Zaff, kapag hindi ka nakapag take ng exam babagsak ka,"
"Zale, ayoko na. . Ayoko na sa ganitong pakiramdam, hirap na hirap na akong mag panggap sa harap nila mommy na ayos lang lahat. . durog na durog na'ko," hindi ko mapigilang humikbi.
"Nasaan ka ba, Zaff?pupuntahan kita, naga-alala na—"
Pinatay ko ang tawag. Pumikit ako ng mariin ay diretsong nilagok ang alak na nasa harap ko. Nakakatawa lang dahil ni minsan hindi naman ako nahilig sa pag-babar pero hindi ko akalaing dito ako matatambay. Ilang araw na akong hindi pumapasok, araw-araw akong umaalis ng bahay pero hindi ako dumidiretso sa university. Masyadong sariwa at masakit sakin lahat, hindi ko kayang makita si Reev kasi baka mag-makaawa at lumuhod lang ako sa harap niya, bumalik lang siya sakin ulit.
Mahal na mahal ko pa rin siya. .
Umiinom ako ng alak. Panandalian lang namang nawawala yung sakit, pag matino na ako nandoon ulit. Gustong gusto ko ng tumakas, gustong gusto ko ng mag umpisang kalimutan siya, pero paano ako maguumpisa kung siya pa rin yung hinahanap ko?
Tumulo ang luha ko habang pinag- mamasdan yung picture naming dalawa. Ang saya- saya pa namin dito, kitang kita ko pa yung pagmamahal niya sakin sa pamamagitan lang ng paningin niya. Ang sakit. Binaba ko ang cellphone at sinubsob ang aking mukha sa kamay. Mula nung araw na maghiwalay kami ni Reev wala ng oras na hindi ako umiyak. Hindi ko na alam kung paano ako u-usad.
Lord pinalaya ko na siya. Parang awa niyo na po, palayain niyo na rin ako sa sakit at sitwasyong hindi ko naman deserve.
Tatlong taon, bakit ang bilis bilis para kay Reev na itapon ng ganun kadali?sabi niya sa'kin wala akong pagkukulang pero bakit biglang ganito?bakit biglang hindi na siya masaya sa'min. Bakit biglang hindi niya na ako mahal?
Muli akong nagsalin ang alak at mabilis na tinungga. halos hindi ko na mamalayan kung nailang shot na ba ako, namamanhid ang labi ko. Hindi ko na rin inalinta yung pait at lasa, basta ang alam ko, gusto kong malasing dahil gusto kong makatulong ulit ng mahimbing.
Humikbi ako. Naging sunod sunod ang pagtulo ng luha ko. Akala ko yun na yun eh. Akala ko swerte na ako sa pangalawa dahil minalas ako sa una. Nanginginig kong binaba ang baso, sobrang sakit na. Ganito ba talaga kasakit mag-mahal?sana pala hindi ko na sinubukan pa ulit.
Ang unfair lang kasi, nanahimik yung buhay ko tapos biglaan siyang pumasok. Ngayon iniwan niya akong durog?
Tinungga ko ang alak sa bote. Halos magkatapon tapon pa ito sa uniform ko kaya panandalian akong huminto. Nanginginig ako habang binaba ang bote sa lamesa. Nanlalabo ang paningin ko ng mag-umpisa nanamang mamuo ang luha ko.
Tangina, miserableng miserable na ako. Gusto ko lang namang maging masaya, bawal ba?
"Ma'am, ayos lang ho ha kayo?" tanong ng babaeng janitress.
Tumango ako at pasimpleng pinunasan ang luha. "Ayos lang po."
Sa sumunod pang ilang oras ay patuloy pa rin ako sa pag-order. Sa totoo lang ay halos ayaw na akong bigyan ng waiter ng alak kung hindi ko pa sila tinatakot na isusumbong ko sila sa manager. Gustong gusto kong magpakalunod sa alak, kahit ba ito ipagkakait pa nila sakin?dumukdok ako sa lamesa dahil hilong hilo na talaga ako.
Kinalma ko ang sarili ko dahil nanlalabo na ang paningin ko, pakiramdam ko din ay maduduwal ako. Ganito pala yung pakiramdam kapag lasing na lasing, hindi ko maintindihan basta parang umiikot yung paligid. Sa sobrang kalasingan ko ay natagpuan ko nalang ang sarili kong tinatawagan si Reev.
YOU ARE READING
Our Yesterday Promise (Yesterday Series #1)
RomanceZaffira Solene is beautiful, kind, talented, and smart. She comes from a powerful and wealthy family, and she's never been jealous of what others have because even if she doesn't like it, she gets it. Her parents raised her with a good heart, instil...