Chapter 42

1.3K 6 0
                                    

Kanina ko pa naririnig ang malalim na bugtong hininga mula kay Reev. Hindi naman ako makapag reklamo dahil maging ako man ay hindi din alam kung saan mag-uumpisa o kung ako ba ang dapat mag-umpisa ng usapan, nitong siya naman ang may kagustuhan na mag -usap kami. Lumunok ako at nag-angat nalang ng tingin sa bilog na bilog na buwan, marami rin ang mga bituin kaya mas pinili ko nalang ituon doon ang aking paningin.

Kasalukuyan kaming nandito sa garden ng hotel. Sa totoo lang ay wala naman ak ofong isi-nagot sa sinabi niya kanina. Nanatili pa rin ang katahimikan sa'min bago siya tumayo at umalis sa table namin. Basta't ang huling salitang binitawan niya ay sumunod nalang ako dito sa garden kung bibigyan ko siya ng tyansa na mag- usap kami. Ilang minuto pa akong nag-isip hanggang sa natagpuan ko nalang ang sarili kong nandito.

Kanina pag- dating ko ay naabutan ko siyang nakaupo sa isang bench. Kitang kita ko pa ang gulat sa mukha niya ng makita ako. Napatayo pa nga siya mula sa pag -kaka- ipo. mukhang hindi niya inaasahan na susunod ako. Umihip ang malamig na hangin kaya wala sa sarili napayakap ako sa aking sarili. Wala akong choice dahil masyadong revealing ang aking damit kaya ramdam na ramdam ko ang lamig.

"Akala ko ba gusto mo akong makausap?" pambabasag ko sa katahimikan.

"Yes, marami akong gustong sabihin. .but, i don't know how to start." rinig ko ang pahhihirap sa boses niya.

"Make it fast, Ethaniel. . hindi ako na ka'pag paalam sa fiance ko, baka hanapin niya ako." sinserong sabi ko.

Ngayon ko lang din napagtanto na ito yung unang beses na tinawag ko siyang Ethaniel, mas sanay kasi akong tawagin siyang Reev. Pero ka'pag kasi tinawag ko namam siya non, hindi ko maiwasang ma-alala kung paano ko siya tawagin sa pangalang yun nung mga panahong nag mamakaawa ako sa kaniya na wag niya akong iwan. Nakakatawa lang dahil nakuha ko pang lumuhod noon manatili lang siya.

"Zaff," mahinang tawag niya sa akin. Hindi ko siya nilingon at nanatili ang aking paningin sa buwan. Kahit ramdam ko ang pag lingon niya sakin.

"Sabihin mo na yung sasabihin mo," diretsang sabi ko.

"I'm sorry, Zaff. ."

"Puro yan nalang ba ang sasabihin mo?" sarkastikong sabi ko. "Tsaka, sorry para saan nanaman?"

"I'm sorry for everything, Zaff. ." nanginig ang boses niya. "Sorry kung iniwan kita, kung nasaktan kita."

Umiwas ako ng tingin. "Tapos na yun, kalimutan nalang natin." malamig na sagot ko at akmang tatalikod na pero kusa akong natigilan ng yakapin niya ako mula sa likod.

Naestatwa ako. Hindi agad ako nakakilos, para bang nawala ako sa sarili. Ramdam ko ang pag higpit ng yakap niya kaya tila binuhusan ako ng malamig na tubig. Mali to. Nagpumiglas ako mula sa pagkakayakap niya pero mas humigpit ito.

"What the f—ck are you doing, Ethaniel?" sigaw ko at muling nagpumiglas, pero baliwala lang dahil di hamak na mas malakas ang pwersa niya.

"Limang minuto lang, Zaff. . please?limang minuto lang," bakas ang pagmamakawa sa boses niya. Nakagat ko ang labi ko ng sapilian niyang isiksik ang mukha niya sa aking leeg.

"Bitawan mo nga ako!" nakawala ako mula sa pagkakayakap niya at walang ano-anong sinampal siya. "Anong ginagawa mo, Ethaniel?ano nanaman 'tong binabalak mo?"

"Zaff," agad akong lumayo ng humakbang siya palapit. Kitang kita ko ang pag-daan ng sakit sa mata niya. "Zaff, pakinggan mo ako, please?"

Nanginginig ang daliri kong dinuro siya. "Ano pa bang dapat kong marinig?ano pa bang sasabihin mo na dapat kong pakinggan?" nanggilid ang luha ko. "T—ngina kasi, gustong gusto mo ba talaga akong pinapahirapan?naka- kalimot na ako, Ethaniel. . Matagal ko ng nakalimutan  yun, hindi ko lang alam kung bakit anong dahilan para gumanyan ka ngayon?"

Our Yesterday Promise (Yesterday Series #1)Where stories live. Discover now