Chapter 22

360 4 0
                                    

Tahimik akong lumabas ng classroom pagkatapos kong i-pasa ang exam ko. Isang beses pa akong sumulyap kila Paula, Krisha at Angel pero tingin ko ay talagang nahihirapan sila dahil hindi man'lang nila ako nabigyan ng sulyap at talagang tutok na tutok sila sa papel nila. Bumugtong hininga ako at sumulyap sa wrist watch ko. May natitira pang mahigit isang oras bago matapos ang oras ng klase namin.

Aaminin ko na talagang mahirap ang exam. Maging ako man ay nahirapan din dahil wala man'lang makikitang choices kung hindi puro identification at enumirations sa likod naman ay essay. Mabuti nalang at hindi ko nakalimutan ang mga ni-review ko kaya kahit papaano ay nasagutan ko ang mga tanong.

Muli kong binalik ang tingin ko kila Angel at nakita kong napatingin siya sakin kaya sumenyas ako na mauuna na ako. Tumango naman siya dahil mukhang hindi pa siya tapos. Kahit gustuhin ko naman silang hintayin ay hindi pwede, lalo na kung sa labas ng classroom dahil pagagalitan ako ng prof. Pagkatapos kasi ng exam ay unang una sa rules ang wag pa-kalat kalat sa corridors o diretso alis na.

Habang naglalakad ako ay wala akong gaanong makitang istudyante sa bawat nadadaanan ko. Naiintindihan ko naman dahil oras palang naman talaga ng exam ngayon kaya't sigurado akong na sa classroom palang ang mga istudyante at kasalukuyang nage-exam.

Sinulyapan ko ang hawak kong cellphone. Gusto ko sanang tanungin si Reev kung nasaan siya o kung tapos naba siya sa exam niya. Pero wala pa naman siyang text kahit na isa. Ang huling usapan namin ay kanina pa bago magsimula ang first period exam namin. Mukhang busy siya.

Wala akong maisip tambayan dahil nagiisa ako. Kaya dumaan nalang ako sa locker ko para kunin ang ukulele, baka sa field nalang ako magpapalipas ng oras dahil baka ma-bored lang ako. Siguro ite-text ko nalang sila Angel mamaya.

Pagdating ko ng field ay sumalubong sakin ang sariwang hangin na tumatama sa aking mukha. Masarap sa pakiramdam, dumiretso agad ako sa ilalim ng puno kung saan ko nakita si Reev noon. Naiintindihan ko na kung bakit gustong gusto niya dito.  Nakaka-relax kasi, bukod don parang panandaliang mawawala ang stress at problema mo.

Inalis ko ang i-ilang dahon na naka-kalat sa damo bago ako naupo. Inalis ko ang bagpack ko at nilagay ito sa tabi ko. Sumandal ako sa puno at pinakiramdaman ang malamig na simoy ng hangin, hindi sobrang init ngayon dahil medyo makulimlim ang panahon.

Bigla kong naalala yung ukulele ko kaya nilabas ko ito mula sa bag. Madalang na akong tumugtog nito pero hindi ko pa rin naman nakakalimutan kung paano, ganun rin sa gitara kaya wala akong magiging problema.

Umisip ako ng kantang ma-aari kong kantahin. Gusto ko kasi ay yung masarap lang tugtugin, ayaw ko ng malungkot na kanta. Napa-pikit ako ng mag-umpisa na akong galawin ang string, sinabayan ko na rin ito ng pag-kanta.

Maraming nagsasabi na maganda ang boses ko pero hindi ko nakahiligan ang pagkanta. Mas nakahiligan ko kasi ang pag-sayaw kaya nga kasama ako sa cheering squad. Bukod doon ay mahilig rin ako sa sports. Nang matapos ko ang isang kanta ay ang saktong pag-tunong ng cellphone ko kaya nilabas ko ito.

Reev:

Where are you?you're not in your classroom.

Reev:

I'm from your building, only your friends are there.

Reev:

But. they are still taking the exam. How about you, are you done?

Ako:

Yap. Kanina pa ako tapos mag exam, umalis lang ako ng corridor dahil pagagalitan ako ng prof kapag nagpalisaw lisaw ako doon.

Ako:

Nandito ako sa field. Sa puno kung saan ka madalas mag-tambay. Nagpapahangin lang wala naman na akong next exam, tapos na exam ko sa lahat lahat.

Our Yesterday Promise (Yesterday Series #1)Where stories live. Discover now