Sumalubong sa'kin ang mainit na klima ng pilipinas pag-baba namin ng eroplano. Tirik na tirik na ang araw kahit alas nuebe palang ng umaga. Hinaplos ko ang pisngi ni Ziva na mahimbing na natutulog sa balikat ni Aldrich. Hindi na halos nito namalayan na nakababa na kami kaya't binuhat nalang siya ng daddy niya.
"Hon, have seen them?" tanong ni Aldrich, buhat niya sa kanang kamay si Ziva habang ang kaliwa naman ay hawak ang isang malaking maleta. Nakakapit naman sa kaniyang braso ang aking kamay.
Umiling ako. "Hindi pa nga eh,"
Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang makapasok kami ng airport. Tinaas ko ang aking salamin sa ulo dahil wala naman ng araw dito. Sinulyapan ko si Aldrich dahil baka nabibigatan na siya kay Ziva.
"Are you okay?" tanong ko. "Akin na si Ziva, ako na munang magbubuhat sa kaniya dahil baka nangangawit kana," patuloy ko pa at akmang kukunin si Ziva pero mabilis niyang iniwas.
"Ako na, i can handle. ." malambing niyang sagot. ngumuso nalang ako.
Inikot ko ang aking mata sa loob ng airport, luminga-linga ako para hanapin sila mommy. yes, sila ang susunod sa'min. Noong nalaman ni mom at dad na uuwi kami ng pilipinas ay kulang nalang ay sila mismo ang sumundo samin sa las vegas. Nang huminto kami sa paglalakad ay saglit na pinunasan ang noo ni Ziva dahil medyo pinagpapawisan na ito.
"Ate, we're here. ." namilog ang mata ko ng matanaw ko si Alistair, masayang masaya naman akong kumaway.
Kitang kita ko ang pagmamadali nilang lumapit sa'min. Si mom, si dad at si Alistair na binatang binata ng tignan, medyo nahiya pa ako dahil mas matangkad na ito sakin. Kinagat ko ang labi ko ng tuluyan na silang makarating sa harap namin.
"Mom. ." para akong maiiyak.
Mabilis niya naman akong niyakap. "Zaffira anak, sobrang miss na miss kita,"
Yumukap ako pabalik. "Na-miss ko din po kayong lahat,"
"Akala ko wala ka ng balak na bumalik," bulong ni mom.
Umiling naman ako at pasimpleng pinunasan ang pumatak kong luha.
"Mom, babalik at babalik po ako,"
Habang nakayakap si mommy sakin at tumama ang paningin ko kay daddy na nakangiti habang nakatitig samin ni mom. Saglit pa akong yumakap kay mom bago ko tuluyang binaklas ang pagkakayakap sa kaniya.
"How about me, wala akong yakap?" biro ni daddy.
Tumawa naman ako at yumakap sa kaniya. "I miss you, dad. ."
"God, i miss you my baby." bulong niya. "Welcome home, anak. ."
Nang maghiwalay kami ni dad ay nilingon ko si Alistair na nakikipag-kamayan kay Aldrich. Ngumuso naman ako at ginulo ang buhok niya.
"Ate ano ba?" sumimangot siya.
"Di ka pa rin nagbabago, suplado ka pa rin. " tumawa ako. "Binatang binata kana, ah?baka may girlfriend kana."
"Meron ng nagugustuhan," bakas ang panunukso sa boses ni mommy.
"Mom," awat ni Alistair.
"Why?i just telling the truth. aminin mo na sa ate mo," tumawa ito.
Gumalaw si Ziva at dahan dahang umahon sa pagkakasandal sa daddy niya. Napangiti ako dahil nangingislap ang mata ni mom habang nakatitig sa kanya. Pinagmasdan ko si Ziva na pupungas pungas habang sumusulyap sa paligid.
"Mommy-la?" nanlalaki ang mata ni Ziva, magpumiglas pa ito sa pagkakabuhat ni Aldrich.
Ngumiti naman si mommy. "Hello sweetheart. ." malambing anito at dinampiang ng halik sa pisngi si Ziva, bago kunin sa paglalabuhat ni Aldrich. Napangisi ako dahil mabilis na pumalupot ang kamay ng lalaking 'to sa aking baywang.
YOU ARE READING
Our Yesterday Promise (Yesterday Series #1)
RomanceZaffira Solene is beautiful, kind, talented, and smart. She comes from a powerful and wealthy family, and she's never been jealous of what others have because even if she doesn't like it, she gets it. Her parents raised her with a good heart, instil...