Chapter 19

359 5 0
                                    

"Bye mom, dad." hinalikan ko silang dalawa sa kani-kanilanh pisngi. "Wag po kayong mag-alala hindi po ako iinom. Basta't tawagan niyo lang po ako kung gusto niyo na akong umiwi, magpa-paalam nalang ako kay Zale sure naman akong maiintindihan niya."

"No need, anak. Just enjoy the party,may tiwala naman kami sa'yo. Isa pa, Reev is with you i know na hindi ka niya pababayaan." sagot ni mommy at sumulyap kay Reev.

Ngumiti naman si Reev. "Of course tita, ako na po'ng bahala kay Zaffira. Babantayan ko po siya ng mabuti," nilingon ko siya dahil nabakasan ko sa paraan ng boses niya ang panunuya.

"You don't have too. Bakit mo ako kailangang bantayan?i'm not a kid." iritado kong sagot.

"Zaff, baby. . just like us, we know that Reev is also worried about you. so let him watch over you because we don't know all of Zale's friends, we don't even know if they can be trusted." malambing na sabi ni dad.

"Dad!"

Humalakhak si daddy. "What?"

"Stop babying me, dad. I'm not a baby." sumimangot ako.

"You're just 18 anak. for me, you're still my baby." tumatawang sagot ni daddy

Ngumiwi ako.  Hindi ko alam kung totoo ba ang sinasabi ni daddy o gusto niya lang talaga akong asarin. Nilingon ko si Reev na pinipigilan ang pag-ngiti kaya sinamaan ko siya ng tingin para malaman niyang napipikon ako. Napalitan ng pag-nguso ang kaninang nakangiti niyang labi. Umirap naman ako at nilingon si mom na may binubulong kay dad.

Tumunog ang cellphone ko kaya agad kong sinulyapan kung sinong tumatawag. Napairap ako ng makita kong si Paula ang caller, kanina pa kasi sila nagmamadali dahil nandoon na daw sila. Parehong pareho sila ni Angel na naga-apura napara bang tatakbo ang bar paalis. Umiling nalang ako at hindi na pinansin pa ang tawag. Binalik ko nalang ang paningin kay daddy.

"Dad, we need to go. Nandoon na po ang mga kaibigan ko." pagbibigay alam ko.

"Kanina pa kayo nag-papaalam ni Reev, anak pero hanggang ngayon hindi pa rin kayo nakaka-alis," tumatawang sagot ni mommy.

Ngumuso ako. "Si daddy kasi eh,"

"I'm sorry po babygirl." kumindat si daddy.

Gusto ko pa sanang kumontra pero baka mas lalo pa kaming matagalan kaya hindi nalang ako kumibo pa. Nagpapasalamat ako ng sa wakas ay tuluyan na kaming makalabas ng bahay. Hindi ko pinansin si Reev pero ramdam ko ang pagsunod niya sa'kin habang naglalakad.

"Baby. ." rinig kong bulong ni Reev ng na sa gilid na kami ng kanyang ford.

Agad na lumukot ang mukha ko. "What did you call me?"

"Baby.." ulit niya at binuksan ang pintuan ng passenger para sa'kin.

"Stop calling me that." napipikong usal ko.

"Why?" inosenteng tanong niya at humawak sa aking kanang kamay. Halos mapaidtad ako mabuti nalang at hindi ako nakapag bigay na ano ma'ng reaksyon.

"Anong why?ikaw dapat ang tinatanong ko, Why?why are calling me that?" bulyaw ko.

"Shhh. Don't shout," malambing niyang sabi.

"Ikaw kasi eh. kung ano anong tinatawag mo sa'kin." paninisi ko.

He laughed. "Why? what's wrong with that? tito Rivo called you 'baby' because you were his baby."

"Eh bakit pati ikaw naki-ki 'baby'?" mataray na tanong ko.

"Because, you'll be my baby soon too. ."

"K-kung ano- anong sinasabi mo." hindi ko mapigilang mautal.

Our Yesterday Promise (Yesterday Series #1)Where stories live. Discover now