"Reev, thank you sa pagsama sa'kin sa pagbili ng regalo para kay Paula. Nakakahiya dahil ikaw pa ang nagbayad ng mga napili ko," yumuko ako. "Are you sure, ayaw mo talagang bayaran ko?"
Sinamaan niya akong tinignan. Kaya ngumuso ako.
"Oo na, hindi na kita kukulitin about doon." tumawa ako. "Thank you nga din pala sa paglibre ng foods, nabusog ako ng sobra."
"Are you sure?parang hindi ka naman gaanong kumain." kunot noong tanong niya.
"Anong hindi?nabusog kaya ako."
Lumikot ang mata ko dahil napansin ko ng titig niya sa labi ko. Tumikhim ako at nag-iwas ng tingin. Parang gusto ko na tuloy bumaba ng sasakyan niya dahil nag-uumpisa nanamang kumabog ng mabilis ang dibdib ko.
"What time ka pupunta sa party?"
Kinagat ko ang labi ko para pigilang mapangiti dahil sa conyo word niya. Tumikhim naman ako at nilingon siya.
"Baka 8:30 kasi 9:00 daw magsisimula."
"Okay. I'll pick you up,"
Nanlaki ang mata ko. "Huh?"
"I'll pick you up at 8:30, Zaff." ulit niya.
"W-wag na, pwede naman akong magpahatid sa driver namin o kay Zale." kitang kita ko kung paano nagsalubong ang kilay niya. "Or kapag naman maagang umuwi si daddy mamaya, i'm sure siya ang maghahatid sa'kin."
Tumikhim siya. "Kung sakaling hindi ka ihahatid ni tito Rivo. Text me, okay?i'll pick you up. Sabay tayong pupunta sa party, you don't need to asked Zale,"
"Reev, pwede naman akong magapahatid sa driver namin. Hindi mo na ako kailangang sunduin," giit ko.
"But, i want to." he said softly.
Kitang kita ko ang pamumula ng mukha at tainga niya kaya mabilis siyang umiwas ng tingin at binaling sa labas ang paningin.
"Okay." pagsuko ko. Mukha kasing hindi siya magpapatalo. "Pero wala akong number mo, how can i text you?"
"Give me your phone," utos niya.
Parang bata ko namang kinuha ito sa pocket ng aking bag pack at inabot sa kanya. Nagtitipa siya doon kaya malaya ko siyang natitigan. Kahit side view lang sobrang gwapo niya.
"Stop staring, Zaff." namamaos na sabi niya.
Hindi ko halos namalayan na natapos na siya sa pagtitipa. Umiwas ako ng tingin, naramdaman ko ang pag-iinit ng buong mukha ko sa kahihiya.
"Hindi naman kita tinitigan?" Of course mag de-deny ako.
Tama yan, Zaff. Magpanggap kang hindi mo siya tinititigan kahit yun naman ang totoo. Panindigan mo yang pagsisinungaling mo. Tumaas ang kilay niya pero kitang kita ko ang patago niyang ngiti. Pinagwalang bahala ko nalang yun at tinanggap ang cellphone kong ibinabalik niya.
"Update me later, Zaff. I'll wait for your text, okay?"
"Oo na nga," tumango ako. "I need to go, Reev. papasok na'ko."
Akmang bubuksan ko na ang pintuan pero agad akong natigilan sa pag-labas ng maramdam ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko. Nagtataka ko naman siyang nilingon.
"What?" tinaasan ko siya ng kilay. "May sasabihin kapa ba?"
"Zaffira."
Tumindig ang balahibo ko ng banggitin niya ang buong pangalan ko gamit ang seryoso niyang boses. Pilit kong kinakalma ang nagwawala sa aking sistema.
"B-bakit?"
"I'm serious,"
"Huh" parang tangang sabi ko.
YOU ARE READING
Our Yesterday Promise (Yesterday Series #1)
RomanceZaffira Solene is beautiful, kind, talented, and smart. She comes from a powerful and wealthy family, and she's never been jealous of what others have because even if she doesn't like it, she gets it. Her parents raised her with a good heart, instil...