(24 years ago)
"Hi future girlfriend," nakangising pang-aasar ng batang lalaki sa batang babaeng nakasimangot.
Tumaas ang kilay ng batang babae. "What are you doing here again?" tanong nito at napahinto sa pagkukulay ng coloring book.
"Bakit ang sungit mo?gusto ko lang naman makipag-friend sa'yo?" nakangusong tanong ng batang lalaki.
"Makipag-friend, but you're always teasing me, i don't like you," umirap ang babae at binalik ang atensyon sa pagkukulay.
Lumungkot ang mukha ng batang lalaki at panandaliang nanahimik. Napansin yata yun ng batang babae kaya muli itong nag-angat ng tingin. Nakita niya ang malungkot na mukha nito kaya bigla siyang nakonsensya sa pagiging rude niya. Bigla niyang na-alala yung sinabi ng mommy na dapat ay maging mabait siya, hihingi sana siya ng sorry pero hindi niya na nagawa pa dahil tinawag ito ng kaibigan niyang lalaki.
"Reev, let's play sa playground."
"Okay, Zale."
Umalis sa harap niya ang batang lalaki, ni hindi na nga ito nagpaalam pa sa kaniya kaya mas naisip niya na baka nasaktan talaga ito sa sinabing ayaw niya rito. Ngumuso ang batang babae habang sinusundan ng tingin ang batang lalaki na ngayon ay palabas ng kanilang classroom.
"You're so rude, Zaff." agad siyang napatingin sa kaibigan niyang si Angel na katulad niya ay nagkukulay din ng coloring book.
"I didn't mean to say that." mas nakosensya tuloy ang batang babae.
"You should say apologize to him." nilingon siya ni Angel.
Ngumuso ang batang si Zaffira. "Okay,"
Nang dumating ang oras ng uwian ay binabalak sana ni Zaffira na manghingi ng pasensya sa batang si Reev yun nga lang ay nauna na itong lumabas ng classroom dahil dumating na ang sundo nito kaya't hindi niya na nahabol pa. Nalungkot si Zaffira kaya bigo siyang inayos ang mga gamit sa kaniyang bag pack.
*****
"Hello, good morning." nakangiting bati ni Zaffira, nakatago pa ang kamay nito sa kaniyang likod.
Hindi ngumiti pabalik si Ethaniel sinulyapan lang siya nito at binalik ang tingin sa binubuong rubics cube. Nagulat si Zaffira sa inasal nito kaya unti unting nabura ang malapad niyang ngiti.
"Reev," hindi siya nilingon ng batang lalaki kaya ngumuso siya.
"Huy, Reev." kinalabit niya ito pero nanatiling nakatuon ang atensyon sa rubics.
"Reev, pansinin ako," paulit ulit niya itong kinalabit. Hinarap naman siya ng batang lalaki nguniti nakasimangot ito.
"Wag mo akong kausapin. diba, ayaw mo sa'kin?"
Yumuko si Zaffira. "I just want to apologize for what I said yesterday. . sorry, hindi ko naman sinasadyang sabihin yun," nilaro ni Zaffira ang kaniyang daliri. "Ikaw kasi, lagi mo akong inaasar."
"Bakit ka nagso-sorry, gusto mo naba akong maging friend?" nakakunot ang noo ni Reev.
Tumango si Zaff. "Oo, Can we be friends?"
"Sure ka?hindi mo na ako aawayin?"
"Hindi na, basta wag mo akong aasarin."
"Okay. ." tumango- tango pa si Reev.
Inangat ni Zaffira ang kamay niya. "Friends?"
Lumapad ang ngiti ni Ethaniel. "Friends,"
*****
"Bakit mo kasi kinuha yung balat ng manok ko?" umiiyak na tanong ni Zaffira kay Reev na tumatawa.
"Sorry na. . akala ko kasi ayaw mo, tinabi mo kasi sa gilid ng plato mo,"
YOU ARE READING
Our Yesterday Promise (Yesterday Series #1)
RomanceZaffira Solene is beautiful, kind, talented, and smart. She comes from a powerful and wealthy family, and she's never been jealous of what others have because even if she doesn't like it, she gets it. Her parents raised her with a good heart, instil...