"Let's go, hon?" nakita kong nakasilip si Aldrich sa pintuan.
Tumayo naman ako mula sa upuan ng vanity mirror dahil tapos naman na akong mag-ayos ang aking sarili. Pinulot kopa ang aking pouch bago tuluyang lumabas ng kwarto. Naabutan ko siya sa pintuan ng kwarto na inaayos ang ang sarili neck tie kaya inabot ko sa kanya ang hawak kong pouch. Habang inaayos ko ang neck tie niya ay titig na titig siya sakin kaya umarko ang kilay ko.
"Alam kong maganda ako pero, can you stop staring at me hon?" biro ko.
"I can't help it. you're so beautiful. ."
"Sus. Salamat, ikaw din po. . napakagwapo mo," dinampian ko siya ng halik sa pisngi.
"I love you," he whispered.
"I love you," ngumiti ako. Hinapit niya naman ang aking baywang at sabay kaming naglakad pababa ng hagdan. "Hon, are you sure pupunta tayo?" tanong ko.
"Why not?" balik tanong niya.
"Paano si Ziva?nag-aalala ako sa kaniya. ." bumugtong hininga naman si Aldrich. "Hon,wag na kaya tayong pumunta?icha-chat ko nalang yung mga batch mate ko?" sushetensyo ko.
"Hon, Ziva's fine. . you don't have to worry, natutulog na siya, isa pa. . Tito and tita is here, hindi nila pababayaan si Ziva."
"I know, pero baka hanapin niya tayo?"
"Hon, si Ziva na mismo ang nagsabi na mag-attend ng reunion diba?don't worry about her, she's fine."
Tumango nalang ako. "Okay. . umuwi nalang tayo ng maaga dahil wala din naman akong balak mag-tagal doon,"
Ngumisi siya. "Why?"
"Anong why?" kumunot ang noo ko.
Umiling siya at nagkibit balikat. Pagbaba namin ay naabutan naming naroroon pa si daddy sa living room, mag-isa nalang ito at abala sa pagtipa sa loptop. Nang maramdaman niya ang presensya namin ay huminto siya at sumulyap samin. Ngumiti si daddy kaya mabilis kaong humakbang palapit sa kaniya para yakapin siya.
I miss him. Hindi ko alam na sa iisang bahay lang naman kami pero pakiramdam ko ay miss na miss ko siya at si mommy. siguro ay madalang kaming na kaming magkwentuhan at magbonding dahil pareho silang abala ni mommy?
"Naglalambing ang unica hija ko." bulong ni daddy at hinalikan ako sa noo.
"I miss you, daddy."
"I miss you more," hinaplos niya ang aking buhok kaya napapikit ako. "Ngayon kapa naglambing kung kailan may lakad kayo ng mapapangasawa mo?"
Nag-iinit ang pisngi ko sa sinabi ni daddy. Kahit naman fiancee ko na si Aldrich ay parang hindi pa rin ako masanay-sanay na sinasabi nila ang word na 'Mapa- pangasawa'. Wala sa sariling napatingin tuloy ako kay Aldrich na tulad ng dati ay nakatitig nanaman sakin. Para bang may kakaiba sa mata niya, parang may sinasabi pero hindi ko maintindihan, o baka naman napa-praning lang ako?
"Daddy, bonding tayo if hindi ka busy?" bulong ko.
"Kahit busy ako, lagi akong may oras basta para sa inyo."
Napangiti ako. "Tomorrow, then?"
"Bonding?" humiwalay siya sa pagkakayakap. "Okay, ano bang gusto mong gawin natin?"
"Inom tayo, dad." biro ko.
Ngumisi siya. "Okay, kung yun ang gusto mo."
Umawang ang bibig ko. "Totoo dad?"
"Of course tapos kwentuhan tayo. Kwentuhan mo ako,"
"Ano namang ikwekwento ko daddy?" tumawa ako.
"Bukas na natin pag-usapan. . may lakad pa kayo," humalakhak si daddy.
YOU ARE READING
Our Yesterday Promise (Yesterday Series #1)
RomanceZaffira Solene is beautiful, kind, talented, and smart. She comes from a powerful and wealthy family, and she's never been jealous of what others have because even if she doesn't like it, she gets it. Her parents raised her with a good heart, instil...