Chapter 21

361 5 0
                                    

"Ang bilis ng araw, malapit nanamang mag -end ang semester," naka-kalumbabang sabi ni Krisha.

"Oo nga," sang-ayon ni Paula.

"Hoy, Zaff.  ayos ka lang?" siniko ako ni Angel.

Ngumiwi ako. "Oo naman, bakit ako hindi magiging okay?"

"Tulala ka. Kanina ka pa parang wala aa sarili mo," tinaasan niya ako ng kilay.

"Oo nga, Zaff. Okay ka lang ba?" nag-aalalang sabi ni Paula ng mapasulyap sakin.

"Eh, bakit tulala ka?" singit ni Krisha. "Nag-away ba kayo ni Ethaniel?" dagdag pa nito.

"Let me correct you, Krish." biglang sabi ni Angel at sumulyap sa'kin. "Inaway mo nanaman ba si Reev?"

I glared at her. "Gago!"

Nagtawanan naman sila, kaya natawa nalang din ako. Nagpatuloy kami sa kulitan at kwentuhan, habang nakikinig sa kanila ay hindi ko maiwasang mapa-isip sa pangyayari nung nakaraang linggo. Halos hindi ko mamalayan na ilang buwan na pala ang lumipas mula nung ligawan ako ni Reev, ganon pala talaga kapag masaya, hindi mo mamamalayan yung pagtakbo ng mga oras.

Samin ni Reev?kung akong tatanungin, wala naman kaming madalas pagtalunan, masasabi kong lahat ay na pagkakasunduan namin kaya walang problema. Masyadong matured si Reev, wala akong problema sa kanya, tuwing may maliit na bagay nga kaming hindi pagkakaintindihan ay todo paubaya siya maging maayos lang kami.

Madalas kaming magkasama ni Reev pero halos mga kaibigan ko at kaibigan niya lang naman ang nakaka-alam tungkol sa panliligaw niya sa akin. Hindi ko naman sinabi ni itago namin pero sinabi ko na wag kaming masyadong PDA sa public. tingin ko ay nirerespeto niya ang bagay na yun kaya kahit marami ng usap-usapan kung ano bang namamagitan saming dalawa ay mas pinili niyang manahimik o mag walang kibo.

"Ayan na pala si Raden," pagbibigay alam ni Paula.

Agad naman kaming napatingin sa direksyon kung saan siya nakatingin. Ngumuso ako ng makita kong papasok na siya ng milktea and coffee shop kung saan kami nakatambay. Tatlong oras ang vacant namin dahil malapit nanaman ang exam at busy ang mga professors kaya tanging reviewer lang binibigay nila samin. Dito namin napiling mag-tambay dahil malapit lang ito sa university, walking distance lang mga sampung minuto lang ang lalakarin bago marating.

Naramdaman kong mag-vibrate ang cellphone ko kaya nilabas ko ito mula sa suot kong pants.

Reev:

Where are you?

Ako:

Sa coffee shop ulit.

Reev:

Who's with you?

Ako:

Mga kaibigan ko.

Reev:

We're going there too.

Ako:

Huh, bakit anong gagawin niyo dito?

Reev:

We also want to hang out there. We don't have class.

Ako:

Sinong kasama mo?

Reev:

My friends.

Ako:

Kasama niyo si Zale?

Our Yesterday Promise (Yesterday Series #1)Where stories live. Discover now