"Ito yung gamot na dapat mong inumin para sa ubo mo, okay?" nakangiting sabi ko at inabot ang gamot.
"Maraming salamat po, Dra." ngumiti ang nakatatandang babaeng kapatid nito sa'kin.
"Walang anuman,"
"Salamat po. . Ate Dra. Ang bait bait niyo po tapos ang ganda ganda pa, deserve niyo po ng asawa." mabilis na tinakpan ng nakatatandang kapatid ang bibig ng nakababata niyang kapatid, natawa naman ako.
"Lea, ano kaba nakakahiya kay Dra. Laciste," pananaway pa nito at nahihiyang nilingon ako. "Dra. Pasensya na ho sa kadaldalan ng kapatid ko."
Tumawa naman ako at hinaplos ang buhok ni Lea, siya yung huling batang chineck-up ko. May ubo kasi ito, ayon sa ate niya ay pangatlong araw na raw ito. Kaya binigyan ko na rin ng libreng gamot.
"Wala pa nga akong boyfriend, paano ako makakapag -asawa?" natatawang tanong ko. "Tutal nabanggit mo yan, baka may gusto kang ilakad sa'kin?" biro ko.
"May kuya po ako kaso seventeen years old pa lang kaya hindi pa po pwede sa inyo," kumamot ito sa sariling ulo. "Pero may kilala po ako. . hindi ko pa po alam pangalan pero gwapo siya po, tapos matangkad din, maputi po parang ka- kulay niyo po. . mabait din po siya kasi limang araw niya na po'ng pinapakyaw yung gawa naming purselas ng ate Rea ko." daldal nito.
Naaliw naman ako. "Tingin mo ba bagay kami?"
"Bagay po kayo, pareho po kayong maganda tsaka gwapo." nag-okay sign pa ito.
"Oh sige, ka'pag nakita mo siya ulit ipakilala mo sa'kin, ha?" mahina akong tumawa.
"Opo, sige po. ." bibong sagot nito.
"Aasahan ko yan." bahagya kong inayos ang ribbon sa kaniyang buhok. "Oh siya, mukhang kailangan niyo ng umuwi, tanghali na. ."
"Oo nga po pala, tutulungan pa namin si nanay sa pagbibilad ng daing," sagot nito at tumayo mula sa pagkakaupo. "Ate Dra. Uuwi na' po muna kami. . hayaan mo po babalik ako ulit dito bukas o sa susunod pong araw, ka'pag nakita ko po yung gwapong kuya isasama ko po siya dito." humagikgik pa siya.
Tumango naman ako at malapad na ngumiti. "Ingat kayo sa pag-uwi," paalala ko.
"Maraming salamat po ulit Dra." muling sambit pa ng ate ni Lea bago sila tuluyang nagpaalam.
Inalis ko ang stethoscope sa aking leeg at pinatong ito sa lamesa. Naramdaman ko ang pananakit ng batok ko kaya saglit ko itong minasahe. Ito na ang pang isang linggong pananatili namin sa Palawan para sa medical mission namin, isa kasi ako sa nag volunteer at napasama sa iba pang doctor. Ilang araw na rin akong walang kumpletong tulog dahil sa maagang pag -gising namin, idagdag mo pa yung pagod sa buong maghapon. Sabagay, wala namang problema sakin dahil bukal naman sa loob ko itong pagtulog. Tsaka, huling araw naman na namin kaya makakapag pahinga na ako sa wakas.
Bumugtong hininga ako at umupo dahil naramdaman ko na ang pangangalay ng paa ko dahil sa halos maghapong pag tayo, sakto namang paglapit ni Nurse Aira sa aking pwesto. Si Nurse Aira ay head nurse sa aming hospital kaya napasama rin siya sa aming team.
"Dra. Lunch na po kayo. . alas tres na po, kayo nalang po ang hindi pa kumakain,"
Ngumiti ako. "Ayos lang ako Nurse Aira, kaka-kain ko lang din naman ng miryenda."
YOU ARE READING
Our Yesterday Promise (Yesterday Series #1)
RomanceZaffira Solene is beautiful, kind, talented, and smart. She comes from a powerful and wealthy family, and she's never been jealous of what others have because even if she doesn't like it, she gets it. Her parents raised her with a good heart, instil...