Chapter 5

536 2 0
                                    

"What's your gift for her?" he whispered.

"Bag nalang kaya?" sagot ko. "Ikaw ba anong gift mo?" balik tanong ko.

"I don't know either," nagkibit balikat siya.

"Titingin lang ako ng magandang bag," paalam ko sa kanya.

Umikot ako sa loob ng shop ng prada para tumingin ng designs ng bag na pwedeng magustuhan ni Paula. Mahilig siya sa mamahaling bags kaya alam kong magugustuhan niya ito, kung sakaling ito ang ireregalo ko. Yun nga lang ay sa dami ng collections niyang bag ay sana ang mapipili kong design ay wala pa sa mga collections niya.

"Zaff," rinig kong bulong ni Ethaniel.

Bintawan ko ang hawak kong bag at nilingon siya. Nakanguso ito habang nakatitig sa mga bag na tinitignan ko. Kanina ko pa napapanasin na sunod siya ng sunod sa'kin. Imbis na asikasuhin niya ang pagpili ng regalo ay mas pinagtutuunan niya pa ng pansin ang pagsunod sakin.

"What?nakapili kana?" inosenteng tanong ko.

Umiling ito. "I don't know kung akong ibibigay ko sa kanya," binasa niya ang pang-ibabang labi niya. "She's your friend can tell me about the things she like?"

Ngumuso ako. "Mahilig siya sa mga bags, shoes at make-ups."

"Okay. Bag nalang din ang ibibigay ko sa kanya,"

"Gaya-gaya ka." inirapan ko siya.

Narinig ko naman ang muntik niyang pag-tawa kaya saglit akong natigilan. Lumunok ako at muling hinaplos ang mga bag na pinagpipilian ko.

"Zaff, what about this?tingin mo magugustuhan niya 'to?"

Nilingon ko si Ethaniel. Hawak niya ay isang kulay pulang bag na hindi naman sobrang laki at bongga ang disenyo pero masasabi kong maganda talaga ang itsura.

"Maganda naman,"

"Pero, tingin mo nagugustuhan niya?" Inosenteng tanong niya.

Ngumisi ako. "Siguro?"

"Siguro?" kumunot ang noo niya. "You're not sure?"

"I know that she likes bags, Reev. but i don't know what design she want," pag-amin ko. "Pero, i think magugustuhan niya naman yan dahil hindi naman yun mapag-pili pag dating sa regalo." patuloy ko pa.

"Okay. I'll get this,"

Tumango ako at tinalikuran siya. Muli kong binalikan ang mga bags na pinagpipilian ko, may apat na disensyo akong nagustuhan, lahat sila ay maganda kaya nahihirapan akong mamili ng kukunin ko.

What if, bilhin kona 'to lahat?

"Miss, kukunin kona 'to lahat." nakangiting sambit ko sa sales lady na nakasunod samin.

Kitang kita ko ang pag-awang ng bibig niya. Nahihiya tuloy akong yumuko, baka isipin nito masyado akong mayabang. Pero hindi ko naman hiningi sa magulang ko ang perang gagastusin ko, sarili ko yung ipon mula sa baon ko.

Humawak si Reev sa pulsuhan ko kaya nilingon ko siya para pukulin ng nagtatakang tingin. Umiling lang siya, ngumiwi ako gusto ko sanang alisin ang pagkakahawak niya sa'kin pero magsisinungaling ako kapag sinabi kong napipilitan lang ako magpahawak sa kanya.

Pagdating namin ng cashier ay bumitiw si Reev pero nanatili lang siya sa likod ko habang na sa pila. Nang ako na ang magbabayad ay nagulat ako ng ibaba niya ang black card niya sa harap ko. Nanlalaki ang mata ko at akmang aangal pero mabilis ang naging galaw niya para hawakan ulit ang pulsuhan ko.

"Reev!" suway ko sa kanya.

"Yes?" malambing niyang tanong.

"Anong gagawin ko dito sa black card mo?may sarili akong pera." asik ko sa pabulong na paraan.

Our Yesterday Promise (Yesterday Series #1)Where stories live. Discover now