Lahat kami ay natigilan sa sinabi ni Reev. Maging ang mga kaibigan ko na nakasunod sa kanya ay natahimik din, mukhang hindi nila inaasahan ang sasabihin ni Reev.
"Oh shit, sorry Zaff. Nakalimutan ko, oo nga pala may mani 'tong kare-kare." kamamot si Zale sa kilay.
"Okay lang, pati nga ako muntik ko na din makalimutan."
Nilayo ni Zale yung plato at binaba sa lamesa. Kumunot ang noo ko dahil akmang aalis siya ulit. Mabilis kong hinawakan ang braso niya.
"Zale, san ka pupunta?"
"Kukuha ako ng ibang pagkain mo,"
"No need, Zale. I already get her food." singit ni Reev.
Napatitig ako kay Reev ng ibaba niya ang plato sa harap ko. Seryoso lang ang mukha niya, halos mapasinghap ako ng bigla siyang tumingin sa'kin kaya mabilis akong nag-iwas ng tingin.
"Do you want anything else to eat?"
Hindi agad ako nakasagot. Lumunok ako at tumingin sa platong ibinigay niya sa'kin. May laman itong kanin, chicken kaldereta at kaunting chopsuey.
Umiling ako. "Okay na 'to sakin. Thank you,"
"You're welcome, eat now."
Tumalikod siya kaya't sinundan ko nalang siya ng tingin. Nakita kong bumalik siya sa pagkaka-upo sa pwesto niya sa kabilang lamesa. Tumama ang paningin ko kay Zale na nakatitig sa'kin kaya tinaasan ko siya ng kilay.
"Bakit?"
"Bagay kayo ni captain. Dapat yung kasing gwapo at talino ni Captain Ethaniel yung jino-jowa mo para kahit masaktan ka worth— tangina naman, Zaff." reklamo niya dahil piningot ko siya.
"Gusto mo tahiin ko yan bibig mo?" banta ko.
"Ito na nga mananahimik na. Sabi ko kasi dapat kumain na lang tayo eh," kumamot siya sa batok. "Napakabrutal talaga ng babaeng 'to. Napaka-mapanakit," dagdag pang bulong niya.
Naramdam kong siniko ako ni Angel kaya nilingon ko siya.
"Anong tingin yan Angelique?"
"Ako duda na'ko ah. Magkaibigan lang ba talaga kayo o nagliligawan?"
"Magkaibigan lang."
Nagkibit balikat naman si Angel. Nakahinga ako ng maluwag ng mag-open sila ng panibagong topic. Medyo nahihiya kasi ako kapag nai-oopen yung kay Reev dahil hindi ko naman alam kung anong isasagot ko sa bawat tanong nila.
"Gwapo nung Hermosa no?" natatawang bulong ni Angel.
"Oo nga, ang tangkad pa." sang-ayon ni Krisha.
"Sinong Hermosa?" singit ko.
"Tanga, yung isa sa kaibigan ng ex mong cheater." si Krisha ang sumagot.
Ngumiwi ako. "Hindi ko naman kilala yung nga kaibigan non, sino ba yung hermosa doon?kasama niya ba sa lamesa nila?" tanong ko at sumulyap sa lamesa nila Koen.
"Yung naka-half ponytail, ayun oh." tinuro ni Angel sa'kin.
Tumango ako. "Ay, oo nakikita kona siya dati pero hindi ko alam na Hermosa pala ang apelyido niya, sabagay ni pangalan niya nga hindi ko alam."
"Gwapo nga bano naman maglaro," pumalatak pa si Zale kaya sabay sabay namin siyang nilingon.
"Anong bano?excuse me, sino namang nagsabi sa'yo?" taas kilay na tanong ni Angel.
Ngumisi si Zale. "Nakalaro na namin sila, diba?" binasa niya ang pang-ibabang labi niya. "Bukod sa banong maglaro, lampa pa. Nasiko ko nga yan sa kismura natumba agad."
YOU ARE READING
Our Yesterday Promise (Yesterday Series #1)
RomanceZaffira Solene is beautiful, kind, talented, and smart. She comes from a powerful and wealthy family, and she's never been jealous of what others have because even if she doesn't like it, she gets it. Her parents raised her with a good heart, instil...