Chapter 13

420 4 0
                                    

Inayos ko ang salamin na suot-suot ko habang nakikinig ng lecture. nagsusulat din ako para may mai-rereview din ako dahil malapit na ang midterm exam. Sobrang bilis ng pagtakbo ng araw hindi ko manlang halos namalayan.

"I'm sorry for being late miss,"

Lahat kami ay napalingon sa nagsalita mula sa pintuan. Kumunot ang noo ko ng makitang nakatayo doon ang matangkad at makisig na lalaki. May maliit itong ngiti sa labi. Napangiwi ako ng mag-umpisa ng magbulungan ang mga kaklase ko kabilang na ang mga kaibigan ko.

"Quiet!" sigaw ni Mrs. Santos dahilan para bumalik ang katahimikan sa classroom. "I think you went to the wrong classroom, Mister." kunot noong sabi ni Mrs. Santos.

"No miss, i belong to this class. I'm Raden Asael Natividad i'm a transferee student." ngumiti ito.

Umawang ang bibig ko. Trasferee?may saltik kaya siya?ngayon niya pa nakuhang mag trasfer kung kailan malapit ng mag -end ang semester, next week na ang exam namin si midterm. Hindi niya ba alam na mahihirapan siyang humabol sa discussuin kung nagkataon. Wait, ano namang pakielam ko?

Ngumuso ako at muling binalik ang paningin sa transferee naming kaklase. Mukha naman siyang mabait, hindi ko tuloy maiwasang titigan siya dahil maamo ang kanyang mukha.

"Gwapo, no?" bulong ni Paula sakin.

Ngumiwi naman ako pero sa huli ay tumango din. "Gwapo nga,"

"Okay. Take a sit, Mr. Natividad," tumikhim si Mrs. Santos.

Pinagmasdan kong luminga linga yung bago naming kaklase. Kitang kita ko kung paano niya inikot ang kanyang mga mata hanggang sa huminto ito sa'kin. Nagtama ang mata namin, ngumiti ito sakin kaya ngumiti nalang din ako pabalik.

"Ay, taray may ngitian!" siniko ako ni Angel.

"Ngumiti siya kaya ngumiti din ako." umirap ako.

Natahimik kami ng dumaan sa gilid ko yung Raden. Mukhang sa likod namin siya uupo, nagsikuhan pa si Paula at Krisha habang sinunsundan siya ng tingin. Napanguso nalang ako ng muling bumalik sa pagle-lecture Mrs. Santos hanggang matapos ang isang oras na klase.

Humawak ako sa batok at pinalagutok ito ng matapos ang sunod sunod na klase. Pinasok ko muna ang gamit sa aking bag bago tuluyang tumayo dahil kanina pa nagsitayuan ang mga kaibigan ko. si Paula ay naglalagay ng lipstick habang may hawak na salamin. Si Krisha naman ay nagsusuklay ng buhok, Huli kong sinulyapan si Angel na tutok na tutok sa kanyang cellphone.

"Lagay ka lipstick?" tanong ni Paula at inabot sakin ang lipstick na hawak niya.

Umiling ako. "Hindi ako maglalagay,"

Tumawa si Angel. "Hindi niya naman kasi kailangan niyan, titigan mo yung lips ni Zaffira ang pula pula kahit wala siyang lipstick,"

"Paano yan?" tanong ni Krisha.

"Huh, alin?" naguguluhang tanong ko.

"Paano yan ganyang mukha?yung maganda kana wala kapang ginagawa?"

Natawa ako. "Baliw,"

Nagtatawanan kaming bumaba ng building. Pagdating namin ng canteen ay nagkakagulo na ang istudyante dahil oras na ang lunch break. Si Krisha at Paula ang nag presintang mag-order ng pagkain kaya naiwan na kaming lahat sa table.

"Hi,"

Agad akong nag-angat ng tingin ng marinig ko ang pamilyar na boses. Nakita kong nakatayo sa gilid ng lamesa namin yung tranferee naming kaklase. Anong ginagawa niya dito?napatuwid ako ng upo, nakita ko naman na natigilan sa pagkwekwentuhan ang mga kaibigan ko na ngayon ay na sa kanya na din ang atensyon.

Our Yesterday Promise (Yesterday Series #1)Where stories live. Discover now