Chapter 3

584 3 0
                                    

"Tibay magbigay ng Quiz ni Mrs. Ramos sa Human Anatomy, wala namang tinuro."

"Gago ka talaga, Angel. Mamaya may makarinig sa'yo, i-sumbong ka pa." tumatawang sabi ni Paula.

"Oh di magsumbong. Totoo naman, ah?" nagtaas siya ng kilay. "Wala naman talaga siyang tinuro tapos puro identication pa binigay niya?ano akala niya sa'tin kamag-anak ni Albert Einstein?"

Natawa ako sa sinabi niya. Maging si Krisha at Paula ay umiiling din habang tumatawa. Oras na ng lunchbreak at katatapos ng quiz namin sa last period kaya ito ang naging topic namin. Sabagay, hindi lang naman kami ang nagrereklamo ng ganito dahil pag labas ng classroom ni Mrs. Ramos ay samut-sari ang narinig kong reklamo ng iba pa naming kaklase.

"Bakit kaya Absent si Zale?"

"Bakit miss mo na?" panunudyo ko kay Angel.

Umirap naman siya. "Hindi no, nagtataka lang ako dahil hindi naman niya ugaling mag-absent sa klase. Tsaka kung may practice man sila sa basketball ay nagpa-pa excuse siya."

Bigla akong napaisip. Tama siya, wala si Zale sa klase namin. Bigla tuloy akong nag-alala, kapag kasi may practice or hindi siya papasok nag papa-excuse siya kung hindi naman ay magu-update siya. Pero ngayon wala man'lang siyang text?may nangyari ba?

Mabilis akong tumayo kaya lahat sila napatingin sa'kin. Kitang kita ko ang pagtataka sa mukha nila, nag-iwas naman ako ng tingin at sinukbit ang bag ko.

"Saan ka pupunta, Zaff?may meeting ba kayo ulit?" tanong ni Paula.

"Oo nga, akala ko wala?" dagdag pa ni Izzie

"Pupuntahan ko si Reev."

Namilog ang mata nila. Bago pa man sila mag-isip ng kung ano ay agad ko ng pinutol dahil alam ko kung anong pag-iisip ang meron sila.

"Itatanong ko sa kanya kung alam niya ba kung nasaan si Zale." dagdag ko pa. "Baka lang alam niya. Nag-aalala kasi ako, hindi niya naman ugaling mag absent,"

Tumango naman sila.

"Samahan kana namin," alok ni Krisha.

Umiling ako. "Ako na lang, mauna na kayo sa canteen susunod ako."

Bakas sa mukha nila na hindi sila sang-ayon pero tumango pa rin sila. Paglabas ko ng classroom ay dumiretso na ako pababa ng building. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung nasan si Reev ng ganitong oras, sigurado akong wala siya sa office dahil wala namang meeting. Nakakahiya pa dahil baka may klase siya.

Bahala na.

Magtatanong tanong nalang ako sa makkaasalubong kong batch-mate niya sa marine. Kilala naman si Reev dahil siya ang president namin sa SSG kaya alam kong may makakapag-turo sakin kung nasaan siya.

Napalunok ako ng tuluyan na akong makarating sa Marine Building. Hindi ko alam kung bakit sobrang lakas ng tibok ng puso ko sa isiping magkikita kami ni Reev. Ano bang nangyayari sakin?humugot ako ng malalim na hininga.

Kalma, Zaff. Nandito ka para kay Zale, itatanong mo lang kay Reev kung may alam ba siya.

"Vice pres, ikaw pala. Anong ginagawa mo dito sa building namin?"

Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Saglit akong napatitig sa matangkad ang morenong lalaki, nakangiti ito sakin. Saglit ko pa siyang tinitigan bago ko mapagtanto na isa siya sa kaibigan ni Reev na palagi nilang kasama ni Zale.

"H-hinahanap ko kasi si Ethaniel, alam mo ba kung nasaan siya?"

Kitang kita ko kung paano umawang ang bibig niya. Bigla tuloy akong nakaramdam ng matinding hiya dahil baka mamaya ay kung anong isipin nito. Tumikhim ako dahilan para makabawi siya sa pagkagulat.

Our Yesterday Promise (Yesterday Series #1)Where stories live. Discover now