Chapter 36

1.2K 2 0
                                    

6 years ago (Las Vegas, USA)

"Hi. ."

Agad akong nag-angat ng tingin ng may kumausap sakin. Tinuro ko ang sarili ko para makasigurado kung ako ba ang kinakausap niya.

"M-me?" kunot noong tanong ko.

"Yes, you. ." malapad itong ngumiti pero nanatili ang blankong emosyon ko.

"Transferee?" tanong niya at umupo sa tabi ko.

"Yeah."

"Oh my god, you're so cold naman," ngumuso ito.

"H-huh?"

"I said. you're so cold. ."

Tumikhim ako. "I'm not,"

Inayos niya ang kaniyang buhok. "I'm Zyra Allyssa Mendez, you can call me Ally. . How about you, what's your name?" inabot niya sakin ang kaniyang kamay

Ilang saglit kong tinitigan ang kaniyang kamay bago tinanggap.

"Zaffira. ."

"Just Zaffira?No second name?what about your last name?"

"Zaffira Hestia Solene Suarez Laciste. ." buong pangalang sabi ko.

"Your name is so mahaba. aren't you too lazy to write your pangalan?"

Napakurap ako. "Are you filipino?"

"Filipino ka rin?" namimilog ang mata niya. "Omg, you made me struggle to speak english, tapos you know how to speak tagalog naman pala."

"Filipino ako."

"So, you're from philippines din?"

Tumango ako.

"Omg, same. But , I was still young that time nung napunta ako dito sa US, dinala kasi kami ng mom ko here. .but nagbabakasyon din naman kami sa pilipinas dahil nandoon ang daddy namin ng kambal ko,"

"Seperated ang parents mo?"

Umiling siya. "No. ." nagtataka ko naman siyang tinignan. "Mai-share akong secret sayo. . but, only the two of us should know, okay?"

"A-ano ba yun?"

"Later nalang pala. Let's go nalang muna sa cafeteria, i'm hungry eh. ."

Tumayo siya. Napangiwi ako dahil hinila niya din ako kaya wala akong choice kung hindi tumayo na din. Wala sana akong balak na lumabas ng classroom dahil hindi naman ako gutom tsaka wala din akong kasama, karamihan kasi sa kaklase ko ay foreigner at may kaniya kaniya silang kaibigan maliban sakin dahil nga sa transferee ako.

"I'll order our food, what do you want?"

"Bahala kana. Hindi naman ako gutom," sagot ko.

Hindi siya sumagot pero nakita kong naglakad na siya patungo sa counter. Inikot ko ang mata ko sa kabuuan ng cafeteria, halos mapuno ito sa dami ng studyante. Karamihan ay may kanya kanyang grupo sa bawat lamesa. Medyo matatagalan pa ako dito, magkakaroon din kaya ako ng kaibigan?sabagay, kahit wala naman ayos lang. Irregular student lang naman ako dahil ang ibang subjects nila ay tapos ko na sa pilipinas.

"Maybe in your mind, masyado akong feeling close, no?" hindi ko namalayan na nakabalik na pala si, ano nanamang pangalan nito?Allycia?Allyana?nakalimutan ko na.

Umiling naman ako. "Hindi naman. . Nagulat lang ako dahil hindi ko inakala na may lalapit sa'kin."

"Yes naman, no?why not. . You're so beautiful kaya, tsaka you look friendly naman. . buti nga nilapitan kita kahit medyo shy ako earlier." ngumiwi ako sa ka-conyohan niya.

Our Yesterday Promise (Yesterday Series #1)Where stories live. Discover now