"All this time, may ligawan ng nagaganap sa inyo?" hindi makapaniwalang tanong ni Angel. pinaypayan niya pa ang kanyang sarili gamit ang kamay bago uminom sa hawak niyang drink.
"Kailan pa nagsimula yan?bakit hindi man'lang namin napansin?" singit ni Krisha na mukhang hindi rin makapaniwala.
Bumugtong hininga ako. "Mahigit isang buwan na yata o dalawang buwan na?" hindi siguradong sagot ko. "Nakalimutan ko na."
"Ano, buwan na ang nakalipas?" gulat na sabi ni Paula. "Ganun na katagal?ni-lowkey ba naman. Pero infairness, ah?" nilingon niya ako kaya tumaas ang kilay ko. "..ang galing niyong mag-tago, walang nakahalata." humalakhak siya.
"Pero ako?" biglang singit ni Krisha kaya napatingin kaming tatlo sa kanya. "Noon palang sa kilos ni pres duda na ako. Halata naman kasing gustong gusto niya pa rin si Zaff." sumulyap siya sakin. "Ito namang kaibigan na'tin masyadong mahirap basahin, mahirap spellingin kaya ang alam ko wala siyang pakielam kay Reev, yun pala pasikreto ng nagpapaligaw." ngumiwi ako.
Naging tuloy-tuloy ang kwentuhan namin sa mahigit kalahating oras na lumipas. Napapasarap na din kami sa pag-inom. Kung kanina ay sinabi kong wala akong balak na uminom ngayon naman ay masyado ko ng na-eenjoy. Aaminin ko hindi masarap sa panlasa ang alak dahil hindi naman talaga ako palainom pero napagtantao ko na masarap din pala na paminsan-minsan ang mag party?yung hindi puro aral?masaya din pala yung ganitong gimik lalo na kapag kasama mo ang mga kaibigan mo.
"Hoy Zaff?ayos kalang?" kinalabit ako ni Paula.
Tumango ako. "Oo naman,"
Lumingon ako sa kabilang lamesa kung nasaan si Reev kasama ang mga kaibigan niya kabilang na si Zale. Kumunot ang noo ko dahil may tatlong babaeng palapit sa lamesa nila.
"Sino mga yan?" tanong ni Krisha.
"Hindi pamilyar yung mukha, hindi yata sa university na'tin nag-aaral." si Angel ang sumagot.
"Teka, kay Reev yata lalapit." singit ni Paula. "Patay, kay Reev nga."
"Hoy, Zaff. Wala ka man'lang gagawin?kay Reev lumapit oh?" tudyo ni Angel.
Tinaasan ko naman siya ng kilay. "Oh ngayon?anong gagawin ko?"
"Wala ka ma'lang gagawin?hindi ka lalapit kay Reev?" hindi makapaniwalang sabat ni Paula.
"Bakit naman ako lalapit?" tanong ko at lumagok sa alak na hawak ko.
Hindi makapaniwala nila akong tinignan. Umiling lang si Angel na may ngisi sa labi, tumaas ang kilay ko dahil hindi ko alam kung ano nanaman ang na sa isip niya. Muli kong binalik ang paningin ko kay Reev, agad na nagsalubong ang kilay ko ng halikan siya sa pisngi ng isa sa tatlong babaeng lumapit sa lamesa nila.
Rinig na rinig ko ang pag-singhap ng mga kaibigan ko. Kitang kita ko naman ang mabilis na pagsulyap ni Reev sa direksyon namin kaya mabilis na nagtama ang paningin namin. Umiwas ako ng tingin sa kanya at tumingin sa mga kaibigan ko.
"Comfort room lang ako," paalam ko.
"Gusto mo samahan ka namin?" alok ni Paula na halata sa boses ang paga-alala.
Umiling ako. "Hindi na, babalik din ako agad."
"Sure ka, Zaff?" singit ni Krisha.
"Oo naman." ngumiti ako.
Nagtinginan sila. Mukhang hindi sila naniniwala siguro ay akala nilang apektado ako sa nakita ko. Hindi ako tatanggi na may kirot sa puso ko, mag ilang katanungan din tulad ng sino yun?bakit siya hinalikan?pero kailangan kong ipasok sa isip ko na wala ako sa lugar para gawin yun dahil sino ba naman ako diba?di hamak na nililigawan pa lang naman ako.
YOU ARE READING
Our Yesterday Promise (Yesterday Series #1)
RomanceZaffira Solene is beautiful, kind, talented, and smart. She comes from a powerful and wealthy family, and she's never been jealous of what others have because even if she doesn't like it, she gets it. Her parents raised her with a good heart, instil...