"Di ako maka get over sa suntok ni Ethaniel kay Koen kagabi." tumatawang sabi ni Krisha. "Interesting."
Ngumiwi ako. "Shut up, Krisha. Hindi yun nakakatuwa," umirap ako. "Nakakahiya nga kay Paula, muntik ng masirap yung birthday celebration niya dahil don."
"Tuwang tuwa nga si Paula eh, nakulangan pa raw siya sa suntok. Dapat daw ginulpi na ni Ethaniel para solid." Tumatawang sabi ni Angel.
Ngumuso ako dahil hindi ko talaga maiwasang isipin yung nangyari kagabi.
"Teka nga," tinaas ni Angel yung kamay niya kaya nanahimik kami. "Bakit nga pala bigla kang nawala kagabi, Zaff?ang sabi mo susundan mo lang si Ethaniel, pero bakit pareho kayong hindi na bumalik?"
Nagkibit balikat ako. "Nagpahatid na lang ako kay Reev kagabi dahil mukhang hindi na magandang ideya kung babalik pa kami sa loob lalo na at alam kong nandoon pa si Koen. Baka mas lalo lang magkagulo," paliwanag ko. "Nag-update naman ako kay Paula na mauuna na kaming uuwi."
"Nako girl, kung nakita mo lang yung reaksyon ni Koen kagabi, Solid. galit na galit siya nung nagmamadali kang umalis para hanapin si Ethaniel." humalakhak si krisha.
"Wag niyo na ngang ipa-aalala yung pangalan nung lalaki na yun. Naiirita lang ako,"
Natahimik kami ng dumating na ang prof namin. Nilingon ko ang upuan ni Paula dahil wala pa siya, siguro ay hindi siya makakapasok ngayon dahil pagod pa siya sa celebration ng party niya kagabi. Nabanggit ni Krisha sakin na inabot na ng alas-dos ang party bago tuluyang natapos.
Hindi ako puyat sa celebration pero puyat ako kakaisip kay Reev, pakiramdam ko tuloy ay inaantok ako habang nakikinig sa discussion namin. Pinanatili kong dilat ang mata ko hanggang sa matapos ang dalawang oras na klase.
Gusto kong sabunutan ang sarili ko dahil nanatili akong wala sa sarili sa mga sumunod pang klase. Nakikinig naman ako, yun nga lang ay talagang walang pumapasok sa utak ko.
"Masakit daw ulo ni Paula," pagbibigay alam ni Krisha at binaba ang cellphone sa lamesa.
"Malamang hang-over yun, naki- pagsabayan kasi siya ng inom sa mga pinsan niya kagabi," sagot ko bago isubo ang pagkain.
"Kagigising niya nga lang daw." tumawa si Krisha.
"Angel, okay ka lang?" bulong ko kay Angel.
Napansin ko kasi ang pananahimik niya mula pa kanina sa klase hanggang ngayong nandito na kami sa canteen dahil lunch na. Tumango naman siya at binigyan ako ng tipid na ngiti.
"Ayos lang ako. May iniisip lang ako,"
Nagkatinginan kami ng mga kaibigan ko. Ramdam namin na hindi maayos si Angel, sa tagal namin siyang kasama ay kahit kailan hindi siya nag-open up ng problema samin. Siya kasi yung tipo ng tao na parang walang problema dahil sobrang jolly at masayahin niya.
"Hoy, Zaff,"
Mabilis akong nag-angat ng tingin ng marinig ko ang boses ni Zale. Kumunot ang noo ko, muntik ng mawala sa isip ko na hindi nga pala namin siya kasama dahil nauna na siyang lumabas ng classroom kanina.
"Oh, anong problema mo?" tinaasan ko siya ng kilay.
"Wala. Hindi mo ba ako na-miss?" tanong niya at umupo sa tabi ko.
"Hindi," diretsang sagot ko.
"Sama ng ugali amp."
"May mas isasama pa yan kaya wag mo'kong sasagarin."
Sinimangutan niya ako. Inirapan ko siya at uminom sa coke in can ko. Habang nagkwekwentuhan kami ay narinig ko ang pag tunog ng cellphone ko kaya nilabas ko ito mula sa pocket ng bag pack ko.
YOU ARE READING
Our Yesterday Promise (Yesterday Series #1)
RomanceZaffira Solene is beautiful, kind, talented, and smart. She comes from a powerful and wealthy family, and she's never been jealous of what others have because even if she doesn't like it, she gets it. Her parents raised her with a good heart, instil...