Chapter 16

395 5 0
                                    

"Kung nakamamatay lang ang tingin baka nakahandusay na ako dito kanina pa." bulong ni Raden.

Niligon ko siya. "What?"

"Kilala mo ba yung na sa kabilang table?" tanong niya sakin, sinulyapan ko naman ang direksyong tinitignan niya. Napalunok ako ng magsalubong ang tingin namin ni Reev, kitang kita ko na salubong na mo salubong ang kilay niya. "Kanina ko pa napapansin na masama yung tingin nung lalaki na yun sa'kin."

"Baka naman feeling mo lang yun," sagot ko at nag-iwas ng tingin.

"Hindi eh. Kasi mula kaninang nag-oorder tayo pagkain hindi niya na ako nilubayan ng tingin,"

"Anong pinagbubulungan niyo?" napansin yata ni Angel na panay ang bulong ni Raden.

"H-huh wal—"

"Yung lalaki sa kabilang table," putol ni Raden sa akmang sasabihin ko. "Masama kasi yung tingin sakin,"

Kumunot ang noo ni Angel at sumulyap kabilang lamesa kung nasaan sila Reev at ang kaibigan niya kabilang na si Zale at si kallias, siya yung morenong kaibigan ni Reev na tinatawag nilang 'Guerrero', bumalik ang tingin ni Angel samin.

"Sino sa kanila?yung nakasalamin ba?" tanong ni Angel.

Tumango ito. "Oo yung kulot ang buhok."

"Si Ethaniel Reev yun, President ng SSG. ."

"Oh, bakit masama ang tingin sakin, inaano ko ba?"

"Selos kasi siya."

"H-huh?"

"Wala, sabi ko ang gwapo ko kaso slow ka." humalakhak si Angel.

Naguguluhan naman akong sinulyapan ni Raden, nagkibit balikat naman ako at muling binalik ang atensyon sa kinakain kong graham ball, ginawa 'to ni mommy kagabi. Sobrang sarap. Naramdam kong titig ni Raden kaya taas kilay ko siyang nilingon.

"Gusto mo?" alok ko.

Sa totoo lang ay kanina ko pa siya inaalok pero tumatanggi siya. Kapag titignan ko naman siya at nahuhuli ko ang titig niya sa'kin, kaya naisip ko na baka nahihiya lang siya kaya panay ang tanggi niya.

"Mapilit ka, sige na nga. Patikim ako," tunatawang sabi niya at kumuha ng graham ball sa tupperware.

"Masarap, diba?" nakangiting tanong ko.

Tumango siya. "Yes. You made this?"

"Nope. Si mommy, mahilig kasi siyang magbake ng cookies tsaka gumawa ng ganitong klase ng dessert and also my younger brother favorite niya kasi 'to, kaya sila ni mommy ang madalas magkasundo pagdating sa ganitong bagay." pagkwekwento ko.

"You haved a younger brother?"

Kumunot ang noo ko. "Yap, why?"

"I thought, only child ka."

"Hindi ah. May kapatid ako, five years gap kami. ."

"Nabanggit mo na ang younger brother mo ang madalas na kasundo ng mommy mo kapag dating sa ganitong bagay. Ibig sabihin ikaw hindi mo hilig?" pagkaklaro niya. "Hindi rin kayo bestfriend ng kusina?"

"Bestfriend?"

"I mean, hindi mo hilig sa kusina?wala kang hilig sa pag-gawa ng desserts tsaka sa pagluluto?"

"Correction, hindi lang ako mahilig gumawa ng dessert pero pagdating sa pagluluto? Baka magulat ka kapag natikman mo luto ko." hindi yun boses nagyayabang, sinabi ko yun sa kaswal na paraan.

"M-marunong kang magluto?"

"Oh, bakit parang gulat na gulat ka?"

"Seryoso ba?o baka naman niloloko mo lang ako?"

Our Yesterday Promise (Yesterday Series #1)Where stories live. Discover now