"Any suggestions?" seryosong tanong ni Reev habang pinaglalaruan ang ballpen sa kamay.
Ngumuso ako at napatingin sa iba pang officers. Mukha namang wala na silang mais-suggest pa dahil nanatili ang katahimikan sa loob ng office.
"Ms. Vice pres?" baling nito sakin.
"H-huh?"
"Any suggestions?" ulit niya.
Umiling ako. "W-wala na,"
"Okay then," tumango ito. "End of meeting." tumayo siya mula sa pagkakaupo.
Isa-isa silang tumayo at nagpaalam kay Reev pati na sa'kin, ngumiti naman ako at pinaalalahanan silang mag-ingat. Nang makalabas na ang iba naming kasamahan sa officers ay tanging ako si Reev at Zale nalang ang naiwan sa loob.
Napatingin ako kay Zale na tahimik lang at mukhang malalim ang iniisip. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at sinukbit ang bag.
"Huy!" pumalakpak ako sa harap niya.
"Hmm. Ano?" walang ganang tanong niya.
"Himala, nanahimik ka yata?" seryoso niya akong tinignan.
"Zaff, bakit ganoon ang tingin sa'kin ni Angel?"
Napatanga ako sa sinabi niya. "H-huh, anong ganoon?"
"Palagi niyang iniisip na ipapahamak kita," mahinang sabi niya. "Ganun ba ako kasamang tao sa paningin niya?" dagdag niya pa.
Napakurap kurap ako. Hindi ko alam na siniseryoso pala ni Zale ang pinagsasabi ni Angel?nilapitan ko siya ay hinawakan sa balikat. Nanatili naman siyang tulala.
"Zale, she's just teasing you. Alam ko naman na kahit kailan hindi mo ako ipapahamak," ngumiti ako.
Napangiti din siya at hinawakan ang kamay kong nakahawak sa balikat niya. Pareho kaming napalingon ng may marinig kaming malakas na bumagsak. Naabutan ng tingin ko si Reev na hindi maipinta ang mukha, bumaba ang paningin ko sa box, mukhang yun ang nalaglag. Nagkalat din ang mga papers sa sahig.
"Okay ka lang captain?" tanong ni Zale.
"What do you think?" masungit na tanong nito at padabog na pinulot ang nagkalat na papel.
"Label muna dapat inuuna captain, bago selos. ." biglang sabi ni Zale kaya mabilis na nag -angat ng tingin si Reev na salubong ang kilay.
Kumunot ang noo ko. "H-huh?"
"W-wala, Zaff. Sabi ko, ang ganda mo."
Binitawan ko si Zale at lumapit kay Reev para tulungan siyang mag pulot ng nagkalat na papel. Yumuko ako at pinulot ito bago ilagay sa box, nilingon niya ako. Kitang kita ko ang gulat sa mukha niya, tipid naman akong ngumiti bago nag-iwas ng tingin.
Nang matapos naming ayusin ang mga papel ay siya na mismo ang nagbalik ng box sa table. Lumayo ako at pinagpag ang kamay ko.
"You're going home?"
Nagulat ako sa tanong niya. Nag-angat naman ako ng tingin at alanganing ngumiti bago tumango.
"Oo."
"Alone?"
Umiling ako. "Nope, sabay kami ni Zale."
"Oh, Really?" sarkastikong sambit niya bago nilingon si Zale. "Zale, you're not busy?I thought you would do something?"
Kumunot ang noo ni Zale. Bakas ang pagkagulo sa mukha niya, kitang kita ko naman na seryoso siyang tinignan ni Reev, nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanila.
"A-ah, Zaff. Hindi kita maihahatid, may gagawin pa pala ako, oo may gagawin ako." kumamot siya sa batok.
"Huh, ganun ba?okay lang. Mag-g-grab nalang ako ng taxi." napapahiya akong ngumiti at kinuha sa pocket ng bag ang phone.
YOU ARE READING
Our Yesterday Promise (Yesterday Series #1)
Storie d'amoreZaffira Solene is beautiful, kind, talented, and smart. She comes from a powerful and wealthy family, and she's never been jealous of what others have because even if she doesn't like it, she gets it. Her parents raised her with a good heart, instil...