Chapter 18

377 3 0
                                    

"So, paano?kita kits nalang sa bar mamaya?" tanong ni Paula.

"Seven thirty mag-start yung party, diba?" tanong ni Angel.

Tumango ako. "Oo daw. Yun ang sabi ni Zale."

"Marami raw ba ang invited mamaya?" singit ni Krisha.

"Ewan. Siguro?" patanong na sagot ko. "Hindi ko rin alam. Basta alam ko, nabanggit niya lang sa atin kahapon na karamihan ay schoolmates talaga natin ang bisita niya."

"Anong oras ka pupunta, Zaff?gusto mo sunduin nalang kita?" sumulyap si Angel sa'kin.

Umiling ako. "Hindi na. Baka driver namin ang maghahatid sa'kin,"

Pagkatapos ng usapan namin tungkol sa birthday party ni Zale na gaganapin sa isang sikat na bar mamayang gabi ay tuluyan na kaming nagpa-alaman sa isat-isa. Si Paula at Krisha kasi ay bibili raw ng regalo para kay Zale, samantalang si Angel naman ay mauuna na raw umuwi dahil inaantok ito. Ngumuso ako at nagtipa ng mensahe para kay Reev habang naglalakad patungo sa parking lot.

Ako:

Where are you?

Reev:

Parking lot. How about you?

Ako:

Naglalakad na papunta diyan. Kanina ka pa?

Reev:

Nope. Almost 20 minutes i guess?

Kumurap kurap ako at binilisan ang pag- lalakad patungo sa parking lot. Luminga- linga ako upang hanapin ang kanyang ford.  Medyo marami na rin ang istudyanteng nagkalat dito marahil ay oras na ng uwian. Nang tuluyang ng mahagip ng aking mata ang kaniyang sasakyan ay natanaw kong bukas ang passenger seat nito kaya alam kong naroon na siya.

"Hi. I'm sorry for making you wait," bati ko sa kanya pagpasok ko.

"It's okay." he smiled. "How's your day?"

"Busy and stress as always." tumawa ako at sinarado ang punto ng sasakyan niya. "Ikaw, how's your day?"

"Busy and stress too." pangagaya niya sa sinagot ko kaya bahagyang tumaas ang kilay ko. "Anyway, where's your friends?"

Nagkibit balikat ako. "Kanina pa sila umalis. Si Paula at Krisha bibili ng gift for Zale. Si Angel naman inaantok daw kaya umuwi na."

Binuhay niya ang makina kaya pumikit nalang ako at sinandal ang aking ulo sa head rest ng passenger seat. Pakiramdam ko kasi ay pagod na pagod ako. Ilang minuto palang ako sa ganoong pwesto ng maramdama ko ang paghawak niya sa aking kamay kaya napadilat ako.

"What time are you going to the party?" he asked.

"Maybe, 7:00 pm?"

"Okay, I'll pick you up at 7:00 pm."

Ngumuso ako. "Siguro maraming bisita si Zale, no?"

"I don't know. But i think yes?" hindi siguradong sagot niya.

"Marami kayong kaibigan. Tapos lahat ng schoolmates natin invited, kaya sure ako maraming bisita. ." sinulyapan ko siya.

He nodded. "Yes, Zale and I have many friends, but I'm not sure if they will be complete later."

"How about his other friends, kilala mo rin?"

"Yung iba oo. naipakilala niya na sa'kin."

"Kung hindi lang magtatampo sa akin si Zale, wala talaga akong planong pumunta."

Our Yesterday Promise (Yesterday Series #1)Where stories live. Discover now