"Ally, makulit ba si Ziva diyan sa langit?kasi kung oo. baka, pwedeng ipaki-usap mo kay lord na ibalik nalang siya dito?" biro sa kabila ng pagtulo ng luha ko. "Araw -araw ko siyang nami-miss, Ally. walang araw na hindi ko siya na-miss." dagdag ko pa at hinaplos ang lapida niya. "Ally, sa tingin mo ba, naging mabuti akong mommy sa baby na'tin?sa tingin mo ba nagampanan ko yung pagiging mommy sa kaniya?" pumikit ako habang pumapatak ang luha.
"Ang cute cute ng baby na'tin." nakangiting sabi ko at hindi napigilang hawakan ang maliit niyang kamay. "Anong pinangalan mo sa kaniya?"
"Her name is Ziva. . Ziva Alyra,"
"Ang ganda naman, bagay na bagay sa kaniya."
"Do you want carry her?" tanong niya.
"Pwede ba?i mean, ipapahawak mo ba?"
"Of course, why hindi?" natawa ako.
Dahan dahan niyang inabot sa'kin si baby Ziva. mabuti nalang at marunong akong humawak ng sanggol. Medyo kumislot si baby Ziva kaya sinayaw sayaw ko siya. Habang tinititigan ko siya ay napagtanto kong kamukhang kamukha niya si Ally kaya parang nakikita ko rin ang mukha ni Aldrich sa kaniya.
"You can have a baby, Fira. . I'm sure magiging mabuti kang mommy pag nagkataon. ." napatingin naman ako kay Ally sa sinabi niya. "Why don't you and drich had a baby yet?"
Uminit ang pisngi ko. "Kung makapag -utos ka na mag baby kami ng kakambal mo ay para ka lang nagpapagawa ng pancake. . ganun ba kadali yun?" pabiro ko siyang inirapan. "Tsaka, katatapos lang ng anniversary namin last week. . tingin ko hindi pa ito yung tamang oras para sa ganitong bagay, bata pa naman kami. isa pa, hindi pa kami graduate," mahina kong pinindot pindot ang pisngi ni baby Ziva.
"Fira, may ipapaki-usap sana ako sa'yo." sumeryoso ang boses niya kaya bumalik sa kaniya ang tingin ko.
"A-ano yun?"
"Mangako ka sa'kin na. . kung sakaling may mangyaring masama sa'kin ay aalagan at mamahalin mo si baby Ziva, that you will treat her as your own daughther. . kahit pa magkaroon kayo ng sarili niyong anak ni Aldrich sa future." napahinto ako. "Tsaka, si Drich hindi kami madalas magkasundo pero mahal na mahal ko yun, kaya pwede bang mahalin mo at wag mo siyang iiwan kahit anong mangyari?"
"Ally, ano bang sinasabi mo?bakit ka ganyan ka kung makapag-salita?"
Tumawa siya. "Nothing, you know naman na hindi na'tin alam ang buhay ng tao ."
Napakurap ako bago lumunok. "Of course, Ally. . hindi mo kailangang ipaki-usap. . baby kaya natin 'to, at mahal ko din siya tulad ng pagmamahal ko sa'yo at kay Aldrich." seryosong sagot ko. "Si Aldrich naman, hindi mo na kailangang sabihin pa dahil wala naman akong balak na iwan siya,"
"Promise me, Fira."
"Okay. i'll promise,"
Sinsero siyang ngumiti. "Thank you, mahal na mahal kita. . you're not just my bestfriend Fira, for me. . you're my sister." Kahit nawiwirduhan ako sa usapan namin ay ngumiti nalang ako.
Isang linggo pagkatapos ng usapan namin ni Ally ay nawindang ako sa balitang wala na siya. she commited suicide. Doon ko lang din nalaman na ang daddy pala ni Ziva ay kasal sa ibang babae at hindi yun nakanyanan ni Allyssa dahil sa sobrang pagmamahal niya dito.
YOU ARE READING
Our Yesterday Promise (Yesterday Series #1)
RomanceZaffira Solene is beautiful, kind, talented, and smart. She comes from a powerful and wealthy family, and she's never been jealous of what others have because even if she doesn't like it, she gets it. Her parents raised her with a good heart, instil...