"Ang sakit talaga ng puson ko.." bumugtong hininga ako.
"Are you sure, you're okay?" bakas sa boses ni Reev ang pag-aalala.
Umirap ako. "Wag ka ngang O.A normal lang 'tong pananakit ng puson kapag may period ang babae,"
Ngumuso siya at isinalin ang mainit na tubig sa hot water bag. Yumuko naman ako at muling humawak sa puson. Naka- kabadtrip. Sobrang sakit talaga, hindi ko rin kasi inaasahan na ngayon pala ako magkakaroon, kung kailan naman balak naming mag movie marathon. Kasalukuyan kasi kaming nandito sa condo ni Reev dahil araw ng sabado at wala namang pasok.
Hindi pa alam nila mommy na boyfriend ko na si Reev pero nagpaalam naman ako sa kanila na siya ang kasama ko ngayon. Gusto ko na sanang sabihin kaso ang gusto ko sana ay sabay kong sasabihin sa kanila ni daddy ng pormal, kaso ay masyadon pa'ng busy si daddy sa hospital kaya hanggang ngayon hindi ko pa rin nasasabi.
"Do you have. .uh, sanitary napkin with you?" nag-aalangang tanong niya.
Kusa akong napatampal sa sariling noo dahil ulti mo sanitary napkin at wala akong dala. Kung hindi pa nga ako nag-cr kanina ay hindi ko malalaman na may period pala ako, idagdag mo pa yung sobrang pananakit ang puson ko.
"Sh*t. .wala akong nadala," nahihiya kong sagot. "Hindi ko kasi alam na magkakaroon na ako ngayon. Napa-aga kasi, akala ko bukas o sa isang araw pa. ."
Tumango naman siya at lumakad patungo sa island table kung saan ako nakaupo. Inabot niya sakin ang hot compress na mabilis ko namang tinanggap.
"Thank you," mahinang sabi ko at nilagay ito sa aking puson.
"Let's go?"
"S-saan tayo pupunta?" nag-angat ako ng tingin sa kanya.
"Sa living room. You can rest there," sagot niya. "Kaya mo bang maglakad?"
"Of course," iritadong sagot ko. "Hindi naman ako nanganak, masakit lang ang puson ko. ."
Tumayo ako pero masakit talaga ang puson ko kaya humawak ako sa upuan ng island table para masuportahan ako dahil baka bigla akong matumba. Napatili ako ng buhatin ako ni Reev ng bridal style, humalakhak lang siya kaya mahina ko siyang hinampas sa dibdib. Wala akong nagawa kung hindi kumapit nalang sa kanyang batok para suportahan ang aking sarili dahil baka mahulog ako.
Nang ibaba niya ako sa couch ay inayos niya pa ang pagkakaupo ko bago siya tuluyang tumalikod. Sinundan ko naman siya ng tingin hanggang sa pumasok siya sa kanyang kwarto. Nakalipas ang ilang minuto ay bumalik din siya, nagtataka ako dahil makasuot na siya ng jacket at may hawak na susi.
"Wait for me here. ."
"S-saan ka pupunta?"
"I'll buy you sanitary napkin,"
Umawang ang bibig ko. "Okay lang sa'yo?" tanong ko.
"What do you mean na, okay lang sa'kin?" tanong niya pabalik.
"Na . . . . bumili ng sanitary napkin?" nahihiyang tanong ko.
"Of course. . why?"
"H-hindi kaba nahihiya?"
"Why should I be shy?"
"Naisip ko lang, kasi yung ibang lalaki nahihiyang bumili ng ganun."
"I'm not them, Zaff. ." supladong sagot niya.
"Suplado mo naman,"
He laughed. "Just wait for me here. I'll just buy sanitary napkins for you to use," he kissed my forehead.
YOU ARE READING
Our Yesterday Promise (Yesterday Series #1)
RomanceZaffira Solene is beautiful, kind, talented, and smart. She comes from a powerful and wealthy family, and she's never been jealous of what others have because even if she doesn't like it, she gets it. Her parents raised her with a good heart, instil...