Chapter 24

335 2 0
                                    

"Fine.. i like you, Reev.. No, i love you," sambit ko sa di kalakasang tono, sapat lang na marinig naming pareho.

Kitang kita kung paano siya napahinto sa paglalakad. Namimilog ang mata niyang lumingon sa'kin. Pinag-krus ko naman ang aking braso at humalukipkip. Parang gusto ko tuloy ngumisi ng maglakad siya pabalik sa harap ko, pinigilan ko lang ang sarili ko at pinanatili ang seryosong mukha.

"What?" tinaasan ko siya ng kilay.

"W-what did you say earlier?" he asked me.

"Hindi mo narinig?"

"N-no.."

"Then, hindi ko na uulitin." akmang tatalikuran ko siya pero mabilis niya akong nahawakan sa braso.

"Z-zaff, w-what did you say earlier.. i want to hear it, hindi ko kasi talaga narinig." parang batang sabi niya.

"Ayaw ko na ngang ulitin. Hindi ko kasalanan na mahina yan pandinig mo." pagtataray ko.

"Please, Zaff?"

Naningkit ang mga mata ko. "Umamin ka nga, hindi mo ba talaga narinig o gusto mo lang na ulitin ko?"

Umiwas siya ng tingin. "F-fine. Narinig ko naman talaga but, can you repeat it for me?"

Umirap ako. "Wag na. Narinig mo naman na eh,"

"B-but, i wan to hear it again. ."

"Daming alam," hindi ko na napigilan ang sarili kong tumawa ng malakas. Kitang kita ko naman ang pag-simangot ni Reev kaya tumikhim ako. "I love you, Ethaniel Reev Chivalry Salazar. ." mahinang pag-uulit ko.

Mabilis niya namang hinawakan ang kamay para i-angat at dampian ng halik. Ngumuso naman ako para pigilang mapangiti, ewan koba. Simpleng bagay lang naman 'tong ginawa ni Reev pero grabe na yung kabog ng dibdib ko.

"I love you more, Zaffira Hestia Solene Laciste. ." mas nilapit niya pa ang sarili niya sa akin pero nanatili ang magkahawak naming kamay. Kusa akong napapikit ng dampian niya ako ng halik sa noo.

"Wait. ." kumunot ang noo ko ng medyo lumayo siya, nagtataka ko naman siyang tinignan. "Are you my girlfriend now?"

"Wag nalang. ayaw mo naman yata," hinampas ko siya sa balikat.

"What are you saying, Zaff? Of course i want you to be my girlfriend."

Ngumisi ako. "Alam ko, sa ganda ko ba namang 'to, kahit sino gugustuhing talagang maging girlfriend ako.."

"You're right." tumango si Reev. "But, hindi kana nila pwedeng maging girlfriend because starting this day, you're officially my girlfriend."

"Bakit pumayag ba ako?" tanong ko. "Lakas ng loob mong sabihin yan, ni hindi mo pa nga ako tinatanong kung pwede mo ba akong maging girlfriend."

"Will you be my girlfriend, Zaff?" kitang kita ko ang pagpipigil niya ng ngiti.

Ngumuso ako at dahan -dahang tumango ako. "Okay.."

Sobrang lapad ng ngiti niya kaya hindi ko maiwasang mahawa. Kumunot ang noo ko ng dahan dahang mabura ang ngiti niya, bigla niyang binitawan ang kamay ko dahilan para maguluhan ako.

"He kissed you. .fuck him," bulong niya pero narinig ko pa rin.

"R-reev.."

Nilingon niya ako. "Can i kiss you?"

Namilog ang mata ko. "H-huh.."

"I wanna kiss you. Can i kiss you?" he repeated.

Lumunok ako at dahan-dahang tumango. "Okay.."

Our Yesterday Promise (Yesterday Series #1)Where stories live. Discover now