"Ate,"
"Huh, ano nga ulit yung sinasabi mo?"
Kumunot ang noo ni Alistair.
"Kanina pa kita kinakausap ate, tapos hindi ka naman pala nakikinig?" halata sa boses niya ang pagkairita.
Natawa ako at inakbayan siya, ginulo-gulo ko ang buhok niya. Nagpumiglas naman siya at sinamaan ako ng tingin.
"Why did you do that ate?" maarteng tanong niya at inayos-ayos pa ang buhok niya.
Binunggo-bunggo ko ang balikat niya. mas lalo tuloy siyang sumimangot.
"Binata na ang kapatid ko. Parang kailan lang baby pa siya." humalakhak ako.
"Stop teasing me, ate. That's not funny," supladong sabi niya.
"Sus, nagbibinata na. Baka naman may nililigawan kana ha?" pang-aasar ko.
Namula siya at nag-iwas ng tingin. Umawang ang bibig ko lalo na ng akmang ipapasak niya sa tainga niya ang airpods pero agad ko siyang pinigilan.
"Alistair! Don't tell me, may nililigawan kana talaga?" napipikong sabi ko.
Kumamot siya sa batok niya, bumuka ang bibig niya at akmang magsasalita pero hindi niya na naituloy pa dahil sa biglaang pagsulpot ng isa sa katulong namin.
"Sir Alistair, may bisita po kayo." pagbibigay alam nito.
Kumunot ang noo ko. Bisita?
Kitang kita ko kung gaano kabilis kumilos ang kapatid ko para tumayo. Halatang excited na excited ito. Tumaas ang kilay ko at mabilis na hinila ang damit niya kaya natigilan siya at iritado akong nilingon.
"What again ate?"
"Sino yung bisita mo?" pinaningkitan ko siya ng mata.
"My girlfriend,"
"What?" bulyaw ko.
Napatakip naman siya sa sariling tainga.
"Lower your voice ate, ang sakit mo sa tainga." sinamaan ko siya ng tingin. "I'm just kidding ate, wala pa akong girlfriend."
"Eh, sino nga yung bisita mo?"
"Kuya Ethaniel, i invited him to come over."
"You what?"
Kinamot niya ang kilay niya.
"I invited kuya Ethaniel to come. We will play basketball later,"
Akmang magsasalita pa ako pero tinalikuran niya na ako. Napangiwi ako dahil halos tumakbo na siya papasok ng mansyon, napailing nalang ako at muling binalik ang tingin sa loptop. Kasalukuyan kasi akong nandito sa pool area, dito ko napiling tumambay dahil palagi nalang akong nakakulong sa kwarto.
Habang nagtitipa ako ay naramdam ko ang pag-upo ng kung sino sa harap ko, nag-angat ako ng tingin, naabutan ko ang titig ni Reev kaya nagtama ang mata namin. Tinaasan ko naman siya ng kilay.
"What are you doing?" tanong niya at sinulyapan ang loptop at nagkalat na paper works sa lamesa.
Tumikhim ako. "Report sa isang major subject. ."
Napatango naman siya. "Hindi mopa tapos?"
Malamang gagawin ko pa ba kung tapos ko na?
"No."
"Do you want me to help you?" tumaas ang kilay ko. "
May sinabi ba akong kailangan ko ng tulong?
"No need." tanggi ko. "I can do this on my own,"
"But, if you need my help. Just tell me," mahinang sambit niya.
YOU ARE READING
Our Yesterday Promise (Yesterday Series #1)
RomanceZaffira Solene is beautiful, kind, talented, and smart. She comes from a powerful and wealthy family, and she's never been jealous of what others have because even if she doesn't like it, she gets it. Her parents raised her with a good heart, instil...