Tatlong linggo na magbuhat yung pangyayari sa canteen at tatlong linggo na din magbuhat ng iwasan ko si Reev. Hindi na ulit ako nag reply sa message niya pero madalas pa rin akong makatanggap ng message galing sa kanya pero hindi ko nalang pinagtuunan pa ng pansin.
Sa tatlong linggo na yun ay madalas ko din silang magkasama ni Misty. Bali-balita din na nagliligawan sila kaya bakit pa ako makikipag-usap diba?isa pa, ayaw ko ng issue.
"Zaff," bulong ni Zale.
"Ano?"
"Nandito ex mo kahapon eh,"
Kumunot ang noo ko. "Huh, sinong ex?"
"Isa palang naman naging ex mo. Dati kabang tanga?"
"Ah, ganon?" tinaasan ko siya ng kilay. "Tutal tanga naman pala ako. Wag kang tatabi sa'kin mamaya kapag Human Anatomy na dahil hindi kita pakokopyahin sa quiz." inirapan ko siya.
"Joke lang, Zaff. Ikaw naman hindi ka mabiro," pagbawi niya. "Si Revamonte nandito kahapon, hinahanap ka."
Kumunot ang noo ko. "Bakit daw?"
Nagkibit balikat siya. "Ewan. Pero nung dumating siya kahapon. Nakauwi kana, ewan ko kung bakit pumunta pa dito, tanga tanga talaga yun."
Hindi ako sumagot. Bigla kong naalala na ilang beses na din akong nakatanggap ng mensahe sa hindi kilalang numero pero alam kong numero niya.
"Zaff,"
Nilingon ko siya. "Ano nanaman?"
"Speaking of the impakto-este taong pinaguusapan natin, nandito nanaman siya."
Nilingon ko ang direksyong tinitignan niya. Kumunot ang noo ko ng matanaw ko sa di kalayuan si Koen, hawak nito kumpol ng rosas at naglalakad patungo sa direksyon namin. Agaw atensyon din siya mga istudyanteng nanonood dito, kasalukuyan kasi kaming na sa gym dahil may pratice ng taekwondo.
"Anong ginagawa niyan dito?" tanong ni Zale sa pabulong na paraan.
"Malay ko. Lapitan mo, tanungin mo."
Muli kong tinuon ang panonod ko sa co-players ko sa taekwondo na nagpapractice habang pinupunasan ang tagaktak kong pawis. Nagpahinga kasi ako sandali dahil napagod na ako sa isang oras na tuloy tuloy na practice.
"Zaffira,"
Mabilis akong napalingon ng marinig ko ang boses ni Koen sa gilid ko kaya nilingon ko ito. Tumaas ang kilay ko dahil ngiting -ngiti ito bagay na hindi ko nagustuhan lalo na at maraming istudyanteng napapatingin samin at halatang kinikilig.
Kinikilig kayo sa cheater?ako hindi.
"What are you doing here, Koen? Outsiders from other university is not allowed here."
"Yes i know Zaff. I just to talk to you, I went here, dahil hindi ka nagrereply sa mga text ko."
"I'm busy, Koen. Ano bang pag-uusapan natin?" kaswal na tanong ko.
Lumunok ito. "F-for you,"
Tinignan ko lang ang bulaklak na inaabot niya bago muling ibalik ang paningin sa kanya.
"What's that?"
"F-flowers for you?" parang tangang sagot niya.
"Alam kong bulaklak yan, Koen. Ang ibig kong sabihin bakit ka nagbibigay ng bulaklak sakin?"
"I just want to give you, Zaff." mahinang sagot niya
"May allergy ako sa roses, nakalimutan mo na?"
YOU ARE READING
Our Yesterday Promise (Yesterday Series #1)
RomanceZaffira Solene is beautiful, kind, talented, and smart. She comes from a powerful and wealthy family, and she's never been jealous of what others have because even if she doesn't like it, she gets it. Her parents raised her with a good heart, instil...