"Anong gift mo kay Paula?" tanong ni Zale.
"Wala pa nga. kaya nga tayo pupunta ng mall mamaya, diba?" mataray na sagot ko.
"Sungit ah?may dalaw ka?"
"Wala!" singhal ko. "Pwede ba, Zale. Itikom mo muna yang bibig mo, ang ingay mo,"
"Ang gulo mo, kapag hindi mo ako nakikita na-mimiss mo ako, tapos kapag nandito naman ako inaaway mo'ko." pagda-drama niya.
"Sino naman ang nagsabi sa'yong na-mimiss kita?"
"Last week nung nag-absent ako ng isang araw. Talagang nilunok mo ang pride mo para kausapin si Ethaniel para tanungin ako kung alam niya ba kung nasaan ako?" ngumisi siya.
"Nag-alala kami ni Angel sa'yo, pero wala akong ma-alala na may sinabi akong miss kita."
"N-nag-alala si Angel sa'kin?" halos pabulong na tanong niya.
Ngumiwi ako. "Bakit parang gulat na gulat ka?"
"Hindi lang ako makapaniwala." kitang kita ko ang pamumula ng tainga niya. "Parang ang hirap paniwalaan, dahil palagi niya lang naman akong inaaway."
"Drama mo,"
"Pero, nag-usap kayo ni Reev?bukod sa tinanong mo yung gusto mong itanong. Ano pang pinag-usapan niyo?"
Mabilis akong umiwas ng tingin.
"W-wala na, bakit close ba kami?" pinilit kong mag-taray.
"Eh bakit ka nauutal?"
Inirapan ko siya. "Hindi mo ba talaga ako lulubayan?"
Ngumuso siya at nanahimik na. Hindi ko siya pinansin at muling tinuon ang atensyon sa loptop ko kung saan nakalagay ang report namin para sa susunod na klase. Sabay kaming napatingin ni Zale sa pintuan ng library dahil sa pagpasok ng maingay ng grupo, bahagya akong nairita sa ingay na meron sila, hindi ba nila alam na number rule sa library ang bawal ang mag-ingay?
Kusa akong natigilan ng mapagtanto kong mga kaibigan ito ni Zale. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay may taong hinahanap ang mga mata ko, isa-isa silang pumasok huling pumasok si Reev na seryosong naglalakad habang nakahawak sa hawakan ng bag pack niyang nakasukbit sa kaliwa niyang balikat.
"Mga kaibigan mo oh," bulong ko kay Zale at nginuso ang mga ito.
"Hayaan mo sila, wag mo nalang pansinin." sagot niya at umakbay sa in-upuan ko.
Habang binabasa ni Zale ang report namin sa loptop ay pasimple kong sinulyapan ang mga kaibigan niya. Napalunok ako ng maupo ang mga ito sa tabing lamesa kung saan kami nakaupo. Hindi ko rin maiwasang sulyapan si Reev na seryosong naglalakad pasunod sa mga kaibigan niya.
Umiwas ako ng tingin ng sumulyap ito sa lamesa namin bago maupo sa katabi naming lamesa. Kinagat ko ang labi ko dahil hanggang makaupo siya ay ramdam ko ang paninitig niya.
"Zaff, may gusto ka pa bang idagdag dito?" tanong ni Zale.
Umiling ako. "Okay na yan,"
"Thanks to me, gwapo na matalino pa." mayabang na sabi niya.
Ngumiwi ako. "Wow ha, salamat sa isang sentence na inambag mo, hiyang hiya naman ako."
Humalakhak siya at ginulo ang buhok ko, iritado ko naman siyang tinignan.
"Ano ba," hinampas ko ang kamay niya.
"Zale."
Napahinto sa pang-aasar sakin si Zale at sabay kaming napalingon ng marinig namin ang boses ni Reev.
"Oh, bro. Problema?" tanong ni Zale.
Hindi nagsalita si Reev. Kitang kita ko ang titig niya sa kamay ni Zale na naka-akbay sa upuan ko. Umiwas ako ng tingin ng mag-angat siya ng tingin sakin. Nagkuwanri nalang akong binabasa ang report kahit ang totoo ay kanina kopa naman talaga binasa yun.
YOU ARE READING
Our Yesterday Promise (Yesterday Series #1)
RomanceZaffira Solene is beautiful, kind, talented, and smart. She comes from a powerful and wealthy family, and she's never been jealous of what others have because even if she doesn't like it, she gets it. Her parents raised her with a good heart, instil...