"Isang sem nalang graduate na tayo. ." pagda-drama ni Zale. Mabilis naman siyang binatukan ni Angel.
"Paano ka nakaka- siguradong kasama ka sa ga -graduate?" pambabara pa nito.
"Alam mo Angel, panira ka. ." padabog na tumayo si Zale at nag walk out.
"Gago, Angel suyuin mo yun. ." tumatawang sabi ni Paula.
"Bakit ko susuyuin jowa kaba yan?" ngumiwi si Angel.
"Kaya hindi kayo magkasundo ni Zale, palagi kasing barado sa'yo," singit ni Krisha na tumatawa rin.
"Hayaan niyo na si Zale. . Ang pag tuunan niyo ng pansin si Zaffira, kanina pa tahimik yan. ."
Agad ko naman silang nilingon. "Bakit ako nadamay diyan?"
"Kanina ka pa tahimik eh," si Paula ang sumagot.
"May naisip lang. ." bumugtong hininga ako.
"Bukod kay Ethaniel at sa sandamakmak na requirements ano pa'ng iniisip mo?" taas kilay na tanong ni Angel.
"Bakit color green ang black board?"
"Wag na tayong mag-usap, Zaff. ." sinimangutan niya ako pero tumawa lang ako.
"Ay, may nalala ako!" pumalakpak pa si Krisha.
"Ano?" tanong ni Paula.
"Anniversary nila ngayon. ." medyo malakas na sabi ni Angel kaya napatingin samin ang ibang kaklase namin, sinamaan ko naman siya ng tingin.
"Bagay kayo ni Zale. Pareho kayong madaldal," inirapan ko siya. "Sarap tahiin ng bibig niyong dalawa,"
Nagtawanan si Paula at Krisha kaya maging ako man ay natawa na din. Inirapan naman ako ni Angel kaa nagkibit balika ako. Tignan mo' to, ang galing - galing mang-asar tapos kapag siya inasar mo, pikon.
"Ilang years na kayo, Zaff?" biglaang tanong ni Paula.
Ngumuso ako. "Three years na,"
"Ang bilis. Parang dati nagtataguan lang kayo ng feelings tapos ngayon, tatlong taon na kayo. ." nakangising sabi ni Krisha.
"Sobrang bilis nga ng araw. Hindi ko namalayan," napangiti ako. "Malapit na rin tayong mag graduate, ilang buwan nalang. ."
"Eh di after graduation magpapakasal na kayo ni Reev?"
Nag-init ang aking pisngi sa walang prenog tanong ni Angel. Nilingon ko siya at nakita kong nakakalumbaba siya habang nakataas ang kilay.
"H-hindi pa namin na pagu-usapan yung ganyang bagay. ."
"Bakit?wala pang nababanggit si pres?" singit ni Krisha.
Umiling ako.
"Ni, minsan hindi niyo pa talaga na pag-usapan?"
"H-hindi pa nga. . Ano kaba, Pau. . Bata pa naman kami, siguro after graduation kahit ako gugustuhin kong mag travel muna bago magpakasal," dahilan ko.
"Pero, dapat na pag-uusapan niyo na yan diba?ang tagal niyo na, Zaff. . dapat nag paplano na kayo ng future, since malapit na ng graduation natin, ano bang sabi ni Reev, mag travel muna kayo?"
Umiling ako. "Wala naman kaming na pag-usapan sa pagkakasal o pagta-travel, wala siyang nababanggit na ganung bagay."
"Kung wala siyang nababanggit tungkol sa pagpapakasal. .eh di, ibig sabihin hindi pa siya sigurado sa'yo?o hindi pa siya sigurado na kayo talaga sa future?" walang prenong tanong ni Angel, agad naman akong natigilan at hindi nakapagsalita. Kitang kitang ko ang pasimpleng pagsiko ni Paula.
YOU ARE READING
Our Yesterday Promise (Yesterday Series #1)
RomantizmZaffira Solene is beautiful, kind, talented, and smart. She comes from a powerful and wealthy family, and she's never been jealous of what others have because even if she doesn't like it, she gets it. Her parents raised her with a good heart, instil...