Chapter 23

366 3 0
                                    

"Sure kayo, okay lang na mauna na ako?" tanong ko sa kanila.

"Oo teh, nakakahiya naman kasi, Alam naman naming kanina may naghahantay sa'yo," nakangising sagot Paula.

Uminit naman ang pisngi ko. "Anong pinagsasabi mo diyan?"

"Maang-maangan kapa." sabat ni Krisha. "Kanina kapa nga miriting miriting lumabas kulang nalang ikaw na mismo ang magsabi sa professor na pauwiin na tayo." humalakhak siya.

Pabiro akong umirap. "O.A. niyo,"

"Sus, umalis kana, Zaff.." pagtataboy ni Angel na halata din sa boses ang pang-aasar.

"Bakit niyo ba ako pinapalayas?"

"Kasi hinihintay kana ni Pres, mahiya ka naman."

"Bakit ako mahihiya, ako ba nanliligaw?" sikbat ko.

"Grabe, yan ganyang lakas ng loob ni Zaff yung gusto ko talagang magaya.." pumalakpak pa si Krisha.

"H-huh, lakas ng loob?"

"Oo lakas ng loob.. ikaw lang kasi ang may kayang ganyanin si Pres," tumango tango ito. "Bukod doon, gusto ko talaga yan lakas ng loob mong ma-marangka ng tao, lalo na kapag alam mong hindi totoo yung pinapakita sa'yo."

Ngumiwi ako. "Hindi naman kasi ako palaaway, ayaw ko lang na sinisiraan ako sa ibang tao tapos nakakarating sa'kin."

Totoo yun. Hindi naman ako marunong makipag-away, hindi din ako pala-away pero dahil sa hindi kona kinaya yung mga nalalaman kong pangba-back stabbed sa'kin ay hindi na ako nakatiis at pinrangka ko si Myra kanina. Nalaman ko kasi na pinagka-kalat niya pala sa section namin na nilalandi ko daw si Reev at lapit raw ako ng lapit dito kaya wala daw magawa si Reev kung hindi ligawan ako para hindi ako mapahiya dahil yun nga raw ang kumakalat na balita tungol samin.

Kahit ibigay ko sa kanya si Reev kung gusto niya, nakakainis lang dahil repeater na nga siya nakuha niya pang manira ng iba. Mabuti sanang mag-aral na lang siya para pumasa na hindi yung nakikielam pa siya ng buhay ng iba. Ayaw ko sanang pansinin pero sumosobra na siya, nakakatawa lang dahil ang bait- bait niya sakin kapag nakaharap ako pero naninira na lala kapag nakatalikod na. Mahirap talagang magtiwala sa mga taong na ka-paligid.

"Hayaan mona yun, Zaff. Naiinggit lang yun, kasi pangit na nga bobo pa.." walang prenong sabi ni Angel kaya siniko ko siya.

"Sira, may makarinig pa sa'yo. Baka mas lalong lumaki yung gulo.." sita ko sa kanya.

"Ay wala akong pake. Kahit mag-sumbong pa siya doon sa alipores niyang mukhang hipon tulad niya." baliwalang sagot ni Angel.

"Highblood nanaman si Angel, bakit ba laging galit yan?" bulong ni Zale.

Nilingon ko naman siya. "Bakit sakin ka nagtatanong? Sa kanyang mo sana itanong,"

"Isa kapa, mainitin din ulo mo.." ngumiwi si Zale. "Akala ko pa naman maganda mood mo dahil magde-date kayo ng captain naming kulot ang buhok.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Paano mo namang nasabi na magde-date kami?"

"Syempre sinabi niya sa group chat namin sa instagram na may surprise date daw siyang hinanda para sa'yo. Kaya nga alam kong kanina ka pa hinihintay non sa parking lo-ay pucha?" kusa siyang napatakip sa sariling bibig.

"Oh, di hindi na suprise yun?" nakangising tanong ko.

"Punyetang bibig 'to walang preno." tinapik niya pa ang sariling bibig bago ako hawakan sa braso. "Zaff, please?alam kong mabait kang kaibigan sakin. Siguro naman hindi mo ako isusumbong kay captain kulot , diba?"

Our Yesterday Promise (Yesterday Series #1)Where stories live. Discover now