Chapter 27

368 3 0
                                    

"Mom, aalis na po ako. ." paalam ko kay
mom at hinalikan siya sa pisngi.

"Okay, my love. . Take care,"

"Where are going again ate?" singit ng kapatid kong si Alistair na nakakunot ang noo.

"Mag lakad ako baby brother, sama ka?" pang-aasar ko.

"I don't want to, Ate. ." sumimangot siya. "Magiging third wheel lang ako, kapag sumama ako sa inyo. Buti sana kung may kasing edad akong pinsan ni kuya Ethaniel,"

"What are you talking about?" tanong habang binabalik sa bag ang aking face powder.

"Nothing," nagkibit balikat siya. "Take care ate,"

Kahit na naguguluhan sa sinabi niya ay nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad palabas ng bahay. Tumingala ako dahil ngayon ko lang napansin na makulimlim pala ang panahon at medyo malamig ang klima. Gusto ko sanang bumalik sa taas para magpalit dahil naka halter top lang ako pero nakakahiya naman dahil na sa gate na si Reev.

"Hi.." bungad ko.

Mabilis ang pag-ayos niya sa pagkakatayo mula sa pagkakasandal sa sasakyan ng makita ako. Humakbang siya at hinalikan ako sa pisngi.

Ngumiti naman ako. "Kanina ka pa?"

"No. I just arrived.." sagot niya at sinulyapan ang suot ko. "Aren't you cold?"

Tumikhim ako. "Medyo. Hindi ko kasi alam na medyo malamig pala dito sa labas tsaka hindi ko kasi napansin kanina na makulimlim pala,"

Tumango siya. Nagulat ako ng hubarin niya ang suot niyang leather jacket wala naman akong dapat ipag-alala dahil sa kaniyang panloob ay naka-suot naman siya ng simpleng white t-shirt. nag-angat siya ng tingin sakin kaya nagtataka ko siyang tinignan.

"Wear this." utos niya at inabot sakin ang kanyang jacket.

"H-huh, paano ka?"

"Don't worry about me, I'm not cold. ."

Dahan-dahan ko namang tinanggap ang inaabot niyang jacket. ngumuso ako at sinuot ito, sa totoo lang ay malaki ito kumpara sa'kin pero masasabi kong bagay naman.

"You look more beautiful specially when you wearing my things. ."

"T-thank you,"

Hinalikan niya ako sa noo at inalalayan patungo sa harap ng kaniyang ford. Katulad ng dati ay pinagbuksan niya ako at ulti mo sa pagpasok at pag-upo ay inalalayan pa rin. Mabilis siyang umikot patungo sa driver seat.

"Ano nga palang gagawin natin sa condo mo?"

"Netlix and foodtrip?" patanong niyang sagot.

"May stocked kana ba ulit sa condo mo?"

Madalas kaming tumambay ni Reev sa condo niya lalo na kapag walang pasok. Madalas din kaming manood ng nexflix o mag foodtrip, kapag naman pareho kaming may kailangang tapusing report, activity o presentation o may kailangang-ireview ay doon din namin sabay na ginagawa. Sabay kaming nag-aaral at nagtutululungan.

Minsan naman ay pinagbe-bake ko siya kadalasan ko kasing ginagawa doon ay ang ipagluluto siya ng ibat-ibang klase ng ulam. Hindi kasi siya marunong magluto kaya puro frozen foods ang laman ng fridge niya, pero pinagsabihan ko siya na hindi rin maganda sa katawan kung puro ganun ang kinakain niya.

"Yes. . Nag grocery na ako kahapon." sagot niya habang nakatutok ang paningin sa kalsada.

"May gusto ka bang kainin?ipagluluto kita,"

Hinawakan niya ang aking kamay gamit ang niyang kaliwang kamay. Habang abala ang isa sa manibela, ngumuso ako at nilingon siya, hindi niya ako binigyan ng sulyap pero nagu-umpisa nanaman siyang paglaruan ang aking hinlalaki katulad ng madalas niyang gawin.

Our Yesterday Promise (Yesterday Series #1)Where stories live. Discover now