PRESENT.
"Hi. ."
Tinanggal ko ang mangilan-ngilang dahong naka-kalat sa damuhan at dahan dahang naupo. Hinaplos ko ang puntod niya at ipinatong doon ang dala kong bulaklak.
Zyra Allyssa D. Mendez
"Kamusta kana diyan sa langit?masaya kana ba diyan?miss na miss kita araw-araw. ." hinaplos ko ang puntod niya. "Hindi kona naisama si Ziva at Aldrich dito. Na sa school kasi si Ziva si Aldrich naman na sa hospital. ." ngumiti ako at nagsindi ng kandila. Tinulos ko ito sa taas ng pangalan niya. "Pasensya kana madalang na akong makadalaw ha?abala din ako sa hospital eh. Doctor na'ko, ang daya mo kasi eh. Iniwan mo agad ako," nanggilid ang luha ko.
"Ally, inaalagan ko ng mabuti si Ziva at Aldrich," pagkwekwento ko. "Wag ka ng mag-alala sa kanila ha, ako ng bahala sa kanila. ." naramdaman ko ang pagbabasa ng pisngi ko kaya mabilis kong pinunasan. "Mahal na mahal ko sila,"
"Ally, uuwi na kami ng pilipinas next week. . baka, matatagalan ulit bago ka namin madalaw. ." tipid akong ngumiti. "Doon ko kasi gustong ganapin ang kasal namin ni Aldrich. . sayang, kung nandito ka lang sana ikaw sana ang gagawin kong maid of honor ko, alam mo namang ikaw ang bestfriend ko."
Muli kong hinaplos ang puntod niya. Dahan dahan akong nag-angat ng tingin sa asul na kalangitan. Hindi masyadong mainit ngayon kaya masarap pag masdan. Bumugtong hininga ako at pumikit.
"Fira, i'm sorry. Late me, remember. My twin brother, he's annoying. talagang sumama pa siya sakin," nakangusong reklamo ni Ally at pinatong ang kaniyang bag sa lamesa bago umupo.
"Okay lang,kadarating ko lang din." ngumiti ako. "Nasaan yung kakambal mo?" tanong ko at sumulyap sa paligid.
Tinignan ako ni Ally gamit ang mapa- nuksong tingin.
"Wag mo akong tignan ng ganyan," pabiro ko siyang inirapan.
"He's not here pa eh. I left him in the parking lot, naghahanap siya ng space para makapag-park ng maayos," pinanood ko siyang naglalagay ng lipstick sa labi. "Anyway, did you order?"
Umiling ako. "Hindi pa, hinihintay kita. ."
"Omg, i'm so kilig naman. Wait, let's order na," sagot niya at sumenyas sa waiter. Mabilis naman itong lumapit ang nagbigay ng menu. ngumiwi ako ng makita ko ang kabuuan ng menu. Karamihan dito ay pasta, stake at kung ano ano pa.
Pinanood ko si Ally habang sinasabi sa waiter ang mga order niyang pagkain. Sinusulat nito ang bawat sinasabi niya.
"What's yours, Fira?" baling nito sakin.
Tumikhim naman ako. "Stake and iced tea will do. ."
"Just stake and iced tea?" tanong niya. "Why naman sobrang kaunti?are you on die-"
Hindi niya na ituloy ang sasabihin niya dahil tumunong ang cellphone niya. Kitang kita ko ang pag-ikot niya ng mata ng makita niya ang screen, umirap pa siya sa kawalan bago tuluyang ilagay sa tapat ng tainga ang cellphone.
"Hello, yes?here sa loob ng restaurant saan pa ba?find us. . Why don't you used your eyes, may mata ka naman. .okay, what do you want?what?wala sa menu ang 'kahit ano' fine, anything?what if i order you a water?okay lang ba yun sa'yo?joke, you're so seryoso naman. Okay, bye. ."
Muli pang umirap si Ally pagbaba niya ng phone kaya hindi ko maiwasang matawa. Kinausap niya ulit ang waiter tingin ko ay mag o-order pa siya ng pagkain, hindi para sa kaniya kung hindi sa kakambal niya. Bigla akong napaisip, magkamukhang magkamukha kaya sila or hindi?pareho kaya silang madaldal?si Ally kasi sobeang daldal, sa apat na buwan ko siyang kasama ay napatunayan ko yun.
YOU ARE READING
Our Yesterday Promise (Yesterday Series #1)
RomanceZaffira Solene is beautiful, kind, talented, and smart. She comes from a powerful and wealthy family, and she's never been jealous of what others have because even if she doesn't like it, she gets it. Her parents raised her with a good heart, instil...