"Zaffira, Ayoko na. ."
Nanginginig kong hinawakan ang kamay niya. Pero mabilis niyang iniwas. Aaminin ko nasaktan ako sa ginawa niya dahil.ni minsan hindi niya pa yun ginawa, ngayon pa lang. Pilit akong ngumiti, kahit nanghihina ay binalot ko siya ng yakap ko na alam kong hindi niya inaasahan.
"Reev, ayusin na natin 'to please?" umiiyak na sambit ko. "Saan kaba nagalit?doon ba sa pinagtalunan na'tin about sa paninigarilyo mo?kung, binalik mo yun okay lang sakin. Tatanggapin ko," tumango -tango pa ako. ".. sorry ha, nagalit ako sa nakita kong paghalik sa'yo nung babaeng kasama mo kanina. . Pero sabi mo nga, kaibigan mo lang yun, diba?naniniwala ako. . Alam mo naman na malaki ang tiwala ko sa'yo, diba?"
Nagulat ako ng baklasin niya ang pag- kakayakap ko sa kaniya. Sinubukan kong basahin ang mukha niya pero wala akong mabasang kahit anong emosyon. Wala na yung Reev na sa paningin pa lang masasabi kong mahal na mahal na ako.
"Zaff, tama na. ."
"Reev, masakit na,"
"Hindi ko ginustong saktan k—"
"But, you already did. ." putol ko sa sasabihin niya.
Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko ng makita ko ang awa sa kaniyang mga mata. Tangina!wala naba talagang pagmamahal?kahit kaunti?kahit kapirangot?
"I'm sorry, Zaffira. Believe me, i tried. . Sinubukan ko naman, sinubukan kong mahalin ka ulit, sinubukan kong ipilit—" mahina niyang sabi. "Pero, wala na talaga. ." mas lalong bumuhos ang luha ko.
"Reev, I gave everything to you. . . Pero, may kulang ba?" umiling siya. "Bakit?bakit nawala?bakit biglang hindi mo na ako mahal?" umiiyak na tanong ko. "Ano 'to?you did everything to fit my standard tapos sa huli sasaktan mo lang din pala ako?sana hindi mo nalang ako ginulo, sana hindi mo nalang pinasok yung buhay ko," panunumbat ko pero nanatili siyang tahimik. "Sabi mo mahal mo'ko?"
"Minahal kita. . ." he whispered. "Zaff, walang kulang sa'yo." mas lalong bumuhos ang luha ko. Wala naman palang kulang sa'kin pero bakit hindi mo na ako mahal?
"Hindi ko maintindihan." nanghihinang sabi ko.
"Zaffira, walang kulang sa'yo. . Sadyang hindi ko nalang nakikita yung future ko, kasama ka. ."
Biglang nag flashback sakin yung sinabi no Angel nung nakaraan. Ito na ba yun? Kaya ba ni, minsan hindi niya binanggit sakin yung tungkol sa kasal?dahil hindi niya nakikita yung future niya kasama ako?
"Anong nangyari sa'tin?pano tayong humantong sa ganito?" sinubukan kong pahirin ang luha ko pero para lang akong tanga kasi kahit anong gawin ko patuloy pa rin ang pag buhos nito.
"Hindi ko alam kung paano tayo humantong sa ganito. . Basta nagising nalang ako isang araw na hindi na ako masaya, na hindi na kita mahal." mas lalo akong nadudurog sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya. "."Patawarin mo ako. ."
"You did a promise, Reev. Ang sabi mo, gagawin mo lahat maging tamang tao lang p-para sa'kin, nasaan na lahat ng pangako mo?nasaan na yung Reev na mahal na mahal ako?parang awa mo na ibalik mo siya. ." pagmama-kaawa ko. "Paano na yung mga pangako na'tin sa isat -isa?" hindi ko alam kung bakit nakuha ko lang itanong yun sa kaniya.
"Zaffira. Lahat naman ng pangako na tin sa isat-isa pwede mo pa rin namang tuparin sa iba. Kahit hindi na ako yung kasama mo kahit hindi na ako yung taong yun."
"Reev. . Ayoko, gusto ko ikaw, ikaw yung kasama kong bumuo, gusto ko tayong dalawa din yung tutupad. ."
Hinawakan niya ang kamay ko kaya bumaba ang tingin ko doon. "Zaff, noon palang bago tayo mag tatlong taon, hindi na ako sigurado sa nararamdaman ko para sa'yo. . Sadyang natatakot lang akong masaktan kita kaya ginawa ko lahat para masalba. . Sinubukan kong ayusin, pero sadyang hindi na talaga pwede. ."
YOU ARE READING
Our Yesterday Promise (Yesterday Series #1)
RomantizmZaffira Solene is beautiful, kind, talented, and smart. She comes from a powerful and wealthy family, and she's never been jealous of what others have because even if she doesn't like it, she gets it. Her parents raised her with a good heart, instil...