"Gusto mo?" alok ko ka Zale at marahang nilapit sa kanya ang hawak kong nova.
Hindi naman siya sumagot pero mabilis siyang kumuha ng chichiria ko. Agad namang lumukot ang mukha ko.
"Talagang kumuha ka?"
"What?" hindi niya naituloy ang pagsubo.
"Hindi ka manlang tumanggi. Ang kapal talaga ng mukha mo," inirapan ko siya.
"Wow, nagaalok ka tapos gusto mo tumanggi ako? Grabe kana talaga." pagda-drama niya.
"Sa kapal ng mukha mo inaasahan ko ng hindi ka tatanggi." ngumiwi siya. "Tignan mo yang dinakot mo, nahiya kapa. Bakit hindi mo nalang kinuha ng buo 'tong isang supot?" tinuro turo ko pa ang kamay niya.
"Masyado ka ng mapanakit, Zaff. Hayaan mo papalitan ko mamaya, kahit iaang dosena pa,"
"Sige. Anong oras mo ibibigay para naman hihintayin ko?"
Suminghap siya. "Talagang hahayaan mong palitan ko?"
"Oo."
"Sumosobra kana, parang hindi tayo magkaibigan, ah?"
"Nagpapaawa kapa, kung gusto mo sa'yo na tong buong chichiria ko nakakahiya naman kasi sa'yo." sarkastikong sabi ko.
"Sige sakin na, salamat ah?" walanghiyang sabi niya at inagaw ang chichiria ko.
Gusto ko sana siyang bulyawan kaya lang ay tumunong ang cellphone ko kaya sinamaan ko nalang siya ng tingin bago kunin ang phone sa bag ko.
Reev:
How's your practice? Do you have extra clothes with you? please, change your clothes when you sweat.
Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang pag ngiti ng mabasa ko ang message ni Reev. Hindi ko tuloy makalimutan yung nangyari sa amin nung nakaraang araw.
"You're sweat, Zaff." iritableng sabi niya at muling hinaplos ang likuran ko.
"Uuwi naman na tayo." dahilan ko.
"Why did'nt you bring an extra clothes with you?you're practicing of course pagpapawisan ka." malalim ang pagkunot ng noo niya.
Sa totoo lang ay may lagi naman akong extrang damit sa locker ko yun nga lang ay ilang beses akong nagpalit kahapon ng damit dahil pawis na pawis ako kaya lahat ng naroroon ay nagamit ko. Nawala rin naman sa isip ko ang magdala kaninang dahil nagmamadali ako kaninang umaga dahil na-late akong nagising.
"Hey, Zaff. Are you listening?"
Ngumiwi ako. "Ano ulit yun?"
"You're not listening. Kanina pa ako nagsasalita dito." naiinis na sabi niya.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Alam mo nakakainis ka, hinintay mo pa ang uwian ko para lang sermonan ako?napagod akong mag pratice maghapon tapos yan lang pala ang dahilan mo kaya gusto mo akong makita?" umiwas ako ng tingin. "Kung alam ko lang na magtatalo lang tayo. Sana nauna ka nalang umuwi dahil kaya ko naman umuwi na ako lang mag-isa."
Umawang ang bibig niya. "Zaff, that's not wha—"
"Then, what?".
"I'm just worried. What if, ubuhin ka?" medyo huminahon ang boses niya. "Pinapalalahan lang kita na always bring extra clothes para may pamalit ka."
"I already told you, Reev. Meron nga akong extra na damit sa locker kaya lang magamit ko lahat kahapon and then kaninang umaga naman o forgot to bring dahil late na ako." naiiritang sabi ko at nauna ng maglakad sa kanya.
YOU ARE READING
Our Yesterday Promise (Yesterday Series #1)
RomanceZaffira Solene is beautiful, kind, talented, and smart. She comes from a powerful and wealthy family, and she's never been jealous of what others have because even if she doesn't like it, she gets it. Her parents raised her with a good heart, instil...