Chapter 2

1.7K 19 0
                                    


"Saan tayo?" tanong ko sa kanila habang inaayos na ang gamit ko.

Awasan na namin. Alas singko ang aming awas, minsan naman four. Salitan lamang.

"Nasa labas na ang bebe mo at ang mga kaibigan niya," bulong ni Divina.

Napatingin ako sa bintana. Naroon nga si Ryle. Prenteng nakasandal sa may pader habang ang mga kamay ay nasa bulsa ng suot na pants. Nasa tabi niya ang mga kaibigan na kumikindat sa mga babaeng dumadaan. Hinahampas pa nila ang pwet nito.

"Hala siya. Excited na agad makasama ang bebeloves," Jaja teased. I flip my hair.

"Kung kayo nasa posisyon ko ay ma-excite din kayo!"

"Palit tayo?" Divina asked.

"No way!" agap ko.

Natawa sila. "Joke lang naman. Baka masabunutan pa." Bawi ni Divina.

Napairap na lamang ako at nagpatuloy sa pag-aayos. Sinakbat ko na ang bag ko after.

"Mary, sama ka sa amin ngayon," anyaya ko sa tahimik na si Mary.

Nag-angat siya ng tingin sa akin. "Saan po?" mahinhin tanong niya.

"Nako, Felianna. Baka madumihan ang utak at mga mata niyan. Umayos ka!" Napanguso ako sa sinabi ni Lily.

"Lalayo naman kami," sagot ko ng nakangiti.

"Talagang may balak nga." Iling niya.

Humagikhik lamang ako.

"Sumama ka na Mary pero sa akin ka tumabi at baka kung ano pa maituro ni Felianna sa'yo!" saad niya kay Mary.

Hindi ko naman tuturuan si Mary. Siya mismo ang makakadiscover ng mga bagay na hindi niya pa alam.

Ngitingiti akong lumabas. Dumako agad ang mga paningin ni Ryle sa akin.

"Hi!" Ngiting bati ko.

Siniko siya ng mga kaibigan para umalis si Ryle sa pagkakasandal atsaka ako nilapitan. Kinuha niya ang aking bag at siya ang nagbuhat. I giggled and wrapped my arms to his arms.

"Paano na naman kayo nakapasok? Hindi ba at bawal ang college dito sa building namin!" tanong ni Lily sa kanila.

Napakamot ulo sina Chester. "Kami pa. Malakas kami sa mga chics."

"Saan tayo?" I asked Ryle.

Sinulyapan niya lamang ako at hindi sumagot. Napanguso ako.

Ano ba naman ito! Bakit hindi nagsasalita? Ang sungit ng mukha pati!

"Huy, bakit ka silent?" tanong ko pa.

"Tsk, tahimik."

"E, bakit ka ba tahimik hah? What's wrong?"

"Wala. Maglakad ka na lang."

Mas tumulis ang nguso ko at hindi na lang umimik. Hindi talaga siya nagsalita. Gusto ko mang magdaldal at magkuwento parang ewan naman ako.

Naninibago ako sa kanya ngayon dahil hindi naman siya ganito tahimik. Hindi niya ako tinanong kung anong nangyari sa araw ko.

Nakakainis! Ano ba ang problema ng lalaking ito?

Nagpatuloy kami sa paglalakad at wala pa ding umimik. Ang mga kaibigan namin ang maingay sa likuran.

"Tanga, cocomputin mo pa iyon!" Rinig ko ang pagtawa si Chester.

"Malay ko ba. Iyon pagkakaintindi ko, pero baka naman tamaan din. Binulugan ko din naman sagot," sabi ni Calvin.

Napapatingin sa amin ang ibang studyante na aming nadadaanan. May panghuhusga sa kanilang mga mata atsaka nagbubulungan pa.

The Story of UsWhere stories live. Discover now