Chapter 12

976 14 0
                                    


"Nice! Nice! Keep posing!" malakas na sabi ni Achie.

Umalingawngaw ang music sa kabuuan ng kuwarto ko. Wala naman sina Daddy and Mommy kasi nasa kompanya. Tanging mga kasambahay ang siyang natira. Nagsabi din ako sa kanila.

Suot namin ang mga ternong binili nila na bunny na hood.

Ang cute nga ng mga boys sa bunny. Parang mga bata. Balot na balot. Pinang-gigilan ko pa si Ryle kanina dahil doon. Inasar ko siya nang inasar gano'n din siya sa akin at ako ang napikon.

Galing mang-asar, e.

Nakakasilaw ang dim na nilagay namin. ‘Yong parang sa bar, pero kapag titingala ka lamang. May iilang alak din sa lamesa at mga pulutan. Pinayagan kami basta huwag lang masyado.

"Tayo namang lahat!" sabi ni Lily at siya ang nagset ng camera sa table.

Kung ano-anong pose ang ginawa naming lahat. May nakadila. Nakahawak doon sa bunny. Mga nagkatitigan habang nakadila sa isa't-isa at kung ano-ano pa. Pero ang the best ay ang parang tumatawa kaming lahat. Mayroon din naman na maayos ang pose namin. Serious mode. Casual atsaka pormal. Nagvideo din kami na kunwari nagkukulitan. Pang-edit daw kasi tas imamyday.

May picture din kaming dalawa ni Ryle na nakatingin kami sa isa't-isa. Nakadila ako sa kanya habang siya nakangiti naman.

"Cute!" sabi ko ng makitang winallpaper niya iyon sa kanyang phone.

Tiningnan ko siya habang pinipisil ang hawakan ng bunny. Hindi ko maiwasan na matawa na naman ng pagak.

"Ang cute mo talaga!" Halakhak ko.

"Cute mo din. Sa sobrang cute mo ang sarap mong padapain sa kama..." he huskily said.

Nanlaki ang mga mata ko. Napatikom ang aking bibig. He chukled. Pinisil niya ang magkabilang pisnge ko. Yumukod siya at hinalikan ang aking ilong pababa sa aking labi. Mabilis lang na halik pero kinagat niya.

I glared at him. "Makisali na tayo sa kanila at baka iba pa ang magawa nating dalawa kapag tayo lang."

Tama, tama. Baka padapain niya talaga ako sa kama.

Nakisali kami sa kanila. Nakapalibot  kami ngayon habang may bote sa gitna. Kung kanino tumapat ang dulo ng bote ay siya ang magtatanong o maguutos sa katapat nung bote.

Alternate kami. Katabi ko si Dixon sa left, si Achie naman ay nasa right ko. Katabi ni Achie si Jaja tapos si Ryle. Ang katabi ni Dixon ay si Lily tapos si Dychi then si Mary at Divina. Magkakalayo ang agwat namin sa isa't-isa.

"Bawal kill joy hah! Kailangang gawin talaga kapag nagdare!" sabi ni Dixon ng nakangisi.

Napasulyap ako kay Ryle na game din talaga sa laro. Pinaikot na ni Dixon ang bote at tumama iyon kay Mary at Ryle.

Nahihiyang napanguso si Mary.

"Truth po," sagot agad ni Mary.

"Who's your crush?" simpleng tanong niya.

Napakamot si Mary. Nahihiya pero sinagot ang tanong. "Wala po akong crush po, e."

Tumango si Ryle at lihim na sumulyap kay Achie na tahimik na nakatitig kay Mary.

Wala talaga siyang crush dahil masyadong manhid din. Hindi niya alam na gusto na siya ng isa sa mga kaibigan namin.

Sumunod na tumapat naman ay sa akin at si Lily na agad napangisi.

"Truth or Dare?" tanong niya.

"Truth," sagot ko.

Nag-isip naman siya ng itatanong. Medjo naging matagal hanggang sa may ibinulong si Divina.

The Story of UsWhere stories live. Discover now