Sinamahan ako ni Ryle na manood ng concert ng bandang gusto ko at sobrang na-enjoy ko siya kasi si Ryle ang kasama ko. Hindi ko alam paano niya nagawan ng paraan kung bakit namove bigla ang event, but I'm really thankful at him."Super saya ko, Ryle! Thank you talaga!" I said while smiling
"I'm happy for you, baby. Parang bata." Kinurot niya ang mga pisnge. Ngumuso ako.
Inayos niya din ang bunny na nasa buhok ko. Nasa kanyang labi ang ngiti.
"Natatawa ka!" asik ko. Nang-gigil.
"Cute mo," sabi niya.
Umirap ako at pinaglaruan ang bunny. Napahalakhak si Ryle sa aking likuran ng magsimula akong maglakad.
"Tatampo agad, baby," he murmured.
"Hindi tayo bati! Kanina mo pa ako inaasar!" sabi ko. Mas binilisan ko ang paglalakad.
"Tunay naman po. Cute mo, baby. Pretty pa," malambing sabi niya.
"Sus, inaasar mo ako. Para akong bata. Ano naman ngayon?" Pagtataray ko.
Natawa na naman siya. Oh, 'di ba. Totoo talaga. Kanina pa siya ganyan sa may concert. Pinaglalaruan niya din bunny ko sa ulo. Ako pala ang tinatawanan niya. Akala ko kung sino.
"Baby, wait for me!" malakas nag boses na sabi niya.
Napapatingin na sa amin ang ibang dumadaan. Marahil nagtataka sila sa nangyayari.
"Hala, ang cute naman nilang dalawa."
"Mukhang magkaaway. Nanunuyo si guy. Pansinin na sana ni Ate Girl, kawawa naman si guy."
"Ang pogi ng guy."
Napanguso ako. Bahagyang yumuko at nahihiyang naglakad.
"Maria, baby!" Ang walanghiya. Mas sinasadya niya pa talagang lakasan ang boses niya.
Nakakahiya. Mas bumilis ang paglalakad ko. Halos magtakip na ako ng mukha dahil may kumukuha na ng mga litrato.
"Ano ba!" inis na saway ko ng humawak siya sa aking baywang.
"Gagalit agad, baby," he murmured.
Umirap lang ako. "Nakakainis ka. Bili mo na lang ako pagkain! Nagugutom ako!" he chukled.
Kumain kami sa isang restaurant. Namasyal na din kaming dalawa kahit saan. Na-enjoy namin ang sandaling magkasama kami. Walang sinayang na oras.
Magdamag akong masaya dahil kasama ko si Ryle. Hinatid niya din ako pag-uwi. Gusto pa nga siyang patulugin ni Daddy sa bahay pero magalang na tumanggi si Ryle.
Gusto ko man pero hindi ko hahayaan na may masabi na naman si Mommy dahil patuloy pa din sa pagsasalita ng hindi maganda. Hindi ko na lang pinapansin minsan.
I smiled and closed my eyes. Kampante ang puso.
"Tanong ko lang, Ryle. 'Yong mga property na hinahandle mo, sa iyo na ba talaga lahat ng iyon?" Divina asked habang nasa loob kami ng sasakyan at umaandar.
Nalaman na din nila ang tungkol sa buhay ni Ryle. Hindi na namin tinago pa kasi mga kaibigan namin sila at malalaman din.
"Yeah," sagot ni Ryle.
"Ibig sabihin, before mawala ang parents mo. Nakapangalan na agad sa iyo?" Jaja asked curiously.
"Bago pa ako ipanganak," sagot ni Ryle.
Bahagyang nanlaki ang mga mata nila atsaka nagkatinginan.
"Nice, hah. Talagang planado na. Mabuti at nagagawa mong ihandle ang lahat? I mean, sa dami ng property ninyo tapos ikaw lang namamahala," sabi ni Jaja.
YOU ARE READING
The Story of Us
RomanceSollano Brothers parents story. Maria Felianna Escudero, a fearless woman, campus crush, and the top student in her school. Everybody admires her, and she enjoys her life. But things take a turn when she meets Ryle Yieler Sollano, a mysterious guy...