Literal na may sugat ang labi ko ilang araw ang nakalipas. Mabuti na lamang nagpalusot ako kina Mommy and Daddy kaya hindi na masyadong nagtanong pero parang hindi naniniwala si Daddy sa akin. Hindi naman siya nagtanong kaso kakaiba talaga siya tumingin. Hinayaan ko na lang.Sana huwag silang makahalata.
"Kumusta ang labi mo?" Divina asked while raising her brow.
Napahawak ako sa labi ko. Hinaplos ko iyon.
Nakakainis. Bakit niya ba kasi sinugatan?
"Nagsex ba ba kayo?" Jaja asked innocently.
"Walang gano'n!" agap ko.
"Ang hina mo naman pala," mahinang sabi ni Lily.
I shook my head. "Hindi natuloy kasi nagpigil siya," sagot ko.
Nagkatinginan sila at pagak na tumawa.
"Inaayawan ka na Fely? Hala ka, baka mamaya may iba na iyang nagugustuhan na ka fling kaya ayaw makipagsex sa'yo," casual na sabi ni Divina na agad ginatungan ni Lily.
"Oo nga. Kasi bakit ka tinanggihan? Bakit nagpigil? Baka kasi may inaararo ng iba."
Napatango-tango sila habang ako kumalabog ang dibdib sa kabang nararamdaman.
"Hindi naman gagawin ni Ryle iyon atsaka wala naman tayong nakikitang ibang kasama niya," marahang sabi ko pero ang totoo nag-iisip na talaga ako.
Hindi ko maiwasan na mag-overthink dahil sa kanila.
"Hindi ka nakakasigurado Felianna. Hindi mo naman siya kaklase. Hindi mo nababantayan ang bawat kilos niya. Baka nga mamaya may nilalandi na iyan sa kanilang room," sabi ni Jaja sa inosenteng tinig.
Posible kaya ang sinasabi niya? Pero kilala ko si Ryle. Hindi niya magagawa ang bagay na iyon, kung mayroon man siyang iba ng nais magsasabi siya sa akin. Pero ang maisip ang sinasabi nila. Baka tama. Hindi ko naman kasi bantay sarado.
I sighed. "Malaki ang tiwala ko kay Ryle. Iniisip niya kasi ang mangyayari."
Napailing sila. "Sabi mo, e. Pero alamin mo din ng hindi ka kawawa," si Jaja.
Bakit ba ako pinag-iisip ng mga ito?
"Magsasabi din naman ang mga kaibigan niya sa akin, sa atin."
"Girl, mas loyal iyon kay Ryle. Kapag may sinabi si Ryle sa kanila at huwag sabihin sa'yo. Si Ryle ang kanilang susundin," sabi ni Divina na umirap pa.
Napakagat labi ako at pinaglaruan ang shake na hawak ko. Parang nanikip bigla ang dibdib ko. Ayokong mag-isip ng hindi maganda.
"Nabalitaan ko pa naman na may kasama daw siyang isang babae madalas. Marami ang nakakita sa kanila," sabi ni Lily.
Nakuha niya ang atensyon ko kaya sa kanya ako napatingin. She combed her hair and looked at me casually. Walang halong biro sa kanyang mukha. Maging sin Divina at Jaja ay napatingin sa kanya. Mukhang walang alam ang dalawa.
"Sino nagsabi sa'yo?" tanong ni Jaja, nagtataka.
"Walang nagsabi. Narinig ko lang kanina sa mga chismosa. Maganda daw 'yong babae tapos inaakala tuloy nilang hiwalay na ang dalawa," casual na sagot niya.
"Huy, baka hindi totoo iyan! Binibiro lang namin si Fely." Pagak na natawa i Jaja.
Umismid si Lily sa kanya. "Alam ko. Halata. Pero hindi ako nagbibiro. Hindi ko lang alam kung totoo," sabi niya habang sa akin nakatingin.
Napatitig lamang ako sa aking shake habang napapabuntong hininga. Iniisip kung sino ang babaeng sinasabi ni Lily. Halatang hindi siya nagbibiro sa narinig niya, mukhang totoo.
YOU ARE READING
The Story of Us
RomanceSollano Brothers parents story. Maria Felianna Escudero, a fearless woman, campus crush, and the top student in her school. Everybody admires her, and she enjoys her life. But things take a turn when she meets Ryle Yieler Sollano, a mysterious guy...