Chapter 34

3.5K 29 0
                                    


I giggled when Ryle kissed my chin. Nakadapa ako sa kanyang dibdib habang nakahiga siya sa blanket. Ang araw ay tumatama sa aming dalawa.

Ilang beses akong napahagikgik sa tuwing hinahalikan ni Ryle. Natutuwa naman siya.

"Ang pogi mo, baby," sabi ko at inilapat ang mga daliri sa kanyang chin papunta sa kanyang pisnge at ilong.

"Sobrang ganda mo,"

I giggled. "Inlove ka na naman!"

"Araw-araw naman akong inlove sa‘yo," he licked his lower lips and looked at my eyes.

Napakagat labi ako. "Inlove din ako sa‘yo!"

Bigla niya na lamang akong hiniga kaya siya ngayon nasa ibabaw ko. Napatili na lamang ako ng magpagulong-gulong kami sa buhanginan habang ang blanket ay bumalot na sa aming mga katawan. Tawang-tawa kaming dalawa sa ginawa namin.

Binuhat niya ako papunta sa tubig at doon naman kami nagharutan na dalawa.

"Ryle, kapag nagkababy tayong dalawa gusto ko kaugali ko." I said.

"No, baby. Baka mamuti ang mga buhok ko kaagad dahil makulit."

"Grabe ka naman sa akin!" asik ko at ngumuso.

"Baka mabuntis ng maaga kasi sobrang naughty." Napahalakhak siya.

"Oh, ano naman? Kung nagmamahalan naman sila at talagang gustong gumawa na ng baby. Wala naman sigurong problema. Basta kaya nilang panindigan parehas," sabi ko.

Napahinto siya saglit. He licked his lips.

"Paano kung hindi naman siya mahal?"

Pinaikot ko ang mga mata ko. "Magsesex ba sila ng hindi mahal ang isa't-isa?"

"Make love, baby," he corrected.

"Parehas lang iyon!" sabi ko.

"Hindi, baby. Kapag sex, without love. Kapag make love, may halong pagmamahal," malambing niyang sabi.

"Dami mo alam. Parehas lang naman." Tumawa siya ng pagak at pinaghahalikan ako sa ilong.

Nung hapon ay nagtungo na muli kami sa villa para maglinis ng katawan. Sabay kaming naligo. Hindi nawawala ang tawa sa pagitan naming dalawa.

"Saan na naman tayo?" I asked him.

Kakatapos niya lang akong kuhanan ng litrato habang nakatalikod sa dagat.

"Sa paboritong lugar ng mga magulang ko," he said softly.

Hinawakan niya ang baywang kaya  sabay kaming naglakad na dalawa. We can't stop ourselves from talking, lauging and giggling.

"Ganda ng love story  ng parents mo," I said. Kinuwento niya kasi kung paano nagmahalan ang parents niya.

"Kapag naging parents tayo. Gusto ko maging mabuting parents tayong dalawa," I said.

Hindi ko maiwasan na mapangiti habang iniisip kapag magiging mga magulang kaming dalawa ni Ryle.

Binuksan ni Ryle ang isang gate kung saan nababalutan na ito ng mga baging pero kung pagmamasdan mo ay parang disenyo lamang.

"Take my hand, baby," malambing niyang sabi.

Hinawakan niya ang mga kamay ko. Sabay kaming pumasok. Gano'n na lamang ang aking pagkamangha ng makita ang loob. Awang ng bahagya abg labi ko.

"Wow," manghang sambit ko.

Ang liwanag ay  pumapasok sa harang mula sa itaas. May fountain sa gitna kung saan napapalibutan ng mga bulaklak. Ang mga paru-paro ay nagsisiliparan roon. Ang paligid ay napupuno din ng iba't-ibang klaseng mga bulaklak maging ng mga baging na siyang naging disenyo.

The Story of UsWhere stories live. Discover now