"May concert kasi ‘yong isang banda na paborito ko. Gusto ko pumunta," emote ko kay Ryle habang nakanguso.Pagak siyang natawa. "Bakit nakasimangot na naman ang mahal ko?"
Tinabihan niya ako habang nakaupo sa sofa atsaka inakbayan.
"Hindi ako makakanood kasi may event sa school no'n. Hindi ako puwedeng umabsent kasi isa ako sa council at kailangang naroon ako," I said and sighed.
He carresed my hair. "Magpaalam ka sa kanila. Puwede naman sigurong hindi ka pumunta."
"Palagi dapat kasama ang council sa lahat ng event. Ayaw kong masabihan na hindi ko ginagawa ang responsibility ko dahil may gusto akong puntahan," sabi ko pa.
Minsan lang mag-concert ang bandang iyon at marami talagang pupunta. Gustong-gusto ko din makapunta pero saktong tumapat pa sa event ng school.
"Gusto ko talaga pumunta, Ryle. Naiiyak na agad ako," he chukled.
Tinatawanan pa ako. Naiiyak na nga talaga ako dahil hindi ako makakapunta. Nakakainis talaga ang lalaking ito minsan.
"My baby is such a baby," asar niya.
"Nakakainis ka!" asik ko.
"Punta tayo, baby. Samahan kita," malambing niyang sabi.
"Eh, hindi nga ako makakapunta," giit ko.
"Marami namang paraan. Kung gusto mo talagang makapunta gagawa tayo ng paraan. Hindi puwedeng sad ang baby ko."
Napakagat labi ako at mas lalong sumiksik sa kanyang dibdib. Hindi maiwasan na kumawala ang ngiti sa labi.
Ang cute niya kapag tinatawag akong baby. Nakakainis naman magkaroon ng boyfriend na clingy, soft spoken, malambing at kayang-kaya kang paamunin ng isang iglap lamang.
Sa madaling salita, nakakainis si Ryle.
Pinipigilan ko na lang huwag kiligin minsan pero hindi ko magawa kasi grabe siya magpakilig kahit na simple lamang sinasabi niya. Ibang impact na sa akin.
"Hindi puwedeng hindi makukuha ng mahal ko ang nais niya kaya kailangang gumawa ng paraan. Baka magdamag niyang iyakan," tunog bata niyang sabi pa.
Tinawanan niya lamang ng kagatin ko siya sa bandang dibdib. Halatang sanay na sa ginagawa ko.
"Anong paraan naman, hah?" I asked and looked at him. Ngumiti siya.
"Ako na ang bahala doon. Kailan ba ang concert? Tell me," malambing niyang sabi.
Sinabi ko sa kanya hanggang sa nagkuwento na ako about that band na gustong-gusto ko. Nakikinig naman siya sa akin, minsan nagsasalita din kapag may nais siyang sabihin. Nakikita ko talaga sa kanyang mukha na interested siya sa mga kuwento ko.
Isa lang ang dinasal ko kay God, ang bigyan niya ako ng lalaking mamahalin ako ng sobra. Pero higit pa doon ang binigay niya.
It was a crisp Monday afternoon when Ryle and I decided to visit my family’s home. Sana ay sa pagkakataon na ito ay maayos na ang pakikitungo ni Mommy kay Ryle, kay Daddy kasi wala naman ng problem.
"Nanginginig ka na naman," Ryle said when he saw my hands shaking.
Hindi pa din nawawala ang kaba sa akin kapag pupunta kami dito sa bahay.
"Sorry,"
"I'm here, baby. No worries," lambing niya. Tumango ako.
Upon arrival, we were greeted warmly by my father, who welcomed us inside. Si Daddy mismo ang siyang nagpapunta sa amin dito. Hindi naman namin magawang tanggihan lalo na si Ryle. The atmosphere was relaxed, and my mom was preparing snacks in the kitchen.

YOU ARE READING
The Story of Us
RomanceSollano Brothers Parents Story. Maria Felianna Escudero-isang fearless, confident, at drop-dead gorgeous na babae. Campus crush, top student, at halos lahat ng tao sa school ay humahanga sa kanya. She has it all-beauty, brains, at confidence. She's...