The days on the island passed in a blissful blur of sunshine, sea, and relaxation. The serene environment and Ryle’s constant support allowed me to regain my composure and reflect on what really mattered. Each morning, we’d start our day with a leisurely breakfast on the terrace, followed by swimming, exploring the island, or simply lounging by the water.Nag-eenjoy talaga kaming dalawa. Walang stress at walang ibang iniisip. Sobrang babait din ng mga nangangalaga sa isla. Pinakilala ako ni Ryle sa kanilang lahat at mainit nila akong tinanggap. Sobrang maalaga din at pinapayuhan din ako nina Manang about sa aking pagbubuntis dahil hindi naman naging tago sa kanila.
Pagkatapos akong kuhanan ni Ryle ng mga larawan sa tabing dagat ay nagtungo kami sa isang kubo. Todo alalay siya sa akin.
"Careful, baby," he whispered. Matapos kong makaakyat ay sumunod siya sa akin. Una kong napansin ang mga pagkain sa lamesa lalo na ang strawberry na agad kong kinuha.
He chukled habang kinukuhanan ako ng litrato.
"Ano ba iyan. Mamaya na!" sabi ko.
"Cute ni buntis," he said while typing on his phone. Sinilip ko siya doon.
"Ang pangit ko diyan. Bakit pati iyan isasama mo!" inis kong sabi.
"Pretty my pregnant baby."
Napanguso ako at nawala ang inis habang hawak ang kanyang phone. Nag scroll ako sa kanyang Instagram.
Ryle Yieler Sollano
Daddy na, soon to be Engineer pa.New upload niya ay ang mga larawan ko simula kahapon at kanina. Tapos ang bago ay ‘yong kinukuha ko ‘yong strawberry sa lamesa habang nakanguso at nakayukod ng bahagya. May caption sa ibaba na 'Pretty ng Pregnant Misis ko'
Ilang minutes pa lamang ay marami na agad nag-comment lalo na ang kanyang mga kamag-anak kasi may mga Sollano sa dulo ang pangalan.
‘Yong feeds niya sa Instagram na puro kulay gray ay napalitan ng mga larawan ko at mga larawan naming dalawa.
"Ganda ‘di ba?" he whispered on my ear.
"Oo na. Super ganda ko na." Pagmamalaki ko.
He chukled and hugged my waist. "Ano ba!" asik ko ng isubsob niya ang mukha sa aking tiyan.
Akala ko kung anong gagawin niya pero hinalik-halikan niya lamang iyon at kinakausap niya din ang baby naming dalawa.
"Labas na, baby. Gusto ka ng mahawakan ni Daddy. Gustong-gusto ka na naming alagaan ni Momny mo."
Napangiti ako habang pinanonood siya.
"Sana hindi ka lang diyan isa, baby." Humalakhak siya.
"Anong hindi lang isa? Pahihirapan mo ba ako?" asik ko.
"Hindi po, baby," sagot niya at tiningnan ako. "Feeling ko hindi lang siya mag-isa sa tummy mo kasi baka nag-swim pa iba."
Pigil siyang tumawa dahil masama ang tingin ko. Pinapalobo niya na lamang ang mga pisnge.
"Swim ka diyan. Magswimming ka na lang diyan!" sabi ko sabay kagat sa strawberry.
"Mainit na naman ang ulo ni buntis. Bakit ba kasi pinapainit. Iba dapat pinpainit," pagpaparinig niya.
Tigil-tigilan mo ako, Ryle. Huwag kang manguna dahil hindi talaga kita aatrasan diyan. Iba pa naman ang hormones kapag buntis. Normal lamang daw kapag nakakaramdam ako ng pagiinit ng katawan at kapag gustong makipagmakelove kay Ryle.
Iyon ang sinabi sa amin nung nagpacheck up ako, pero kailangan pa ding maging careful. Si Ryle nagtanong pa anong careful na position. Hiyang-hiya tuloy ako.
YOU ARE READING
The Story of Us
RomansaSollano Brothers parents story. Maria Felianna Escudero, a fearless woman, campus crush, and the top student in her school. Everybody admires her, and she enjoys her life. But things take a turn when she meets Ryle Yieler Sollano, a mysterious guy...