Chapter 23

3.5K 40 0
                                    


Naging maayos ang lahat at mabilis na natapos ang buwan ng Agosto. Busy ngayon dahil malapit na ang intrams at sa college building gaganapin iyon. Kasali sila sa magaganap na intrams dahil marami ang may nais. Ang mga college students ang siyang nag-asikaso ng lahat pero kada section ang booth. May premyo sa magandang booth, pero base sa boto ng mga studyante iyon.

Marami ang mga palaro na hinanda, mas marami ngayon kaysa last year kasi nagsanib ang mga college students and senior high, at dahil doon ay marami ngayon ang tuwang-tuwa kasi makikita daw ang mga crush.

"Fely girl!" boses ni Divina kaya napahinto ako sa paglalakad.

"Bakit?" I asked.

Humawak siya sa braso ko at sabay kaming naglakad. "May nabalitaan ako. May gusto daw si Chanda kay Ryle."

Natigilan ako atsaka siya tiningnan. "Saan mo naman nabalitaan?"

"Sa mga chismosa sa paligid. Nagconfess daw si Chanda. Rinig ng lahat ng nasa gymanisium. Hindi niya alam na naririnig siya habang nagcoconfess sa backstage."

Naging interesado ako sa kanyang kuwento. Ginawa ni Chanda iyon? May gusto nga talaga siya kay Ryle?

"Anong sinagot ni Ryle?"

"Iyon ang hindi ko alam. Sabi, matapos daw magconfess ni Chanda naghiyawan daw ang lahat tas doon na nawala ang boses ni Chanda," kuwento niya pa.

Nakaangat lamang ang aking kilay. Gusto kong malaman ang buong nangyari.

"Una pa lang talaga hindi na maganda ang pakiramdam ko diyan kay Chanda. Magiging kaagaw mo pa kay Ryle, mabuti na lamang hindi kayo naging close talaga," sabi niya.

Ayaw kong manghusga agad pero kasi nakikita at nalalaman ko na talaga ang totoong ugali ni Chanda. Marami akong naririnig na kung ano-ano about sa kanya.

"Mabuti na nga lang talaga dahil iba din ang nararamdaman ko sa kanya mula nung umiwas siya," sagot ko.

Naging usap-usapan nga ang pag-amin ni Chanda kay Ryle kasi bawat madadaanan namin ay siya ang pinag-uusapan. Kesyo daw ang tapang ni Chanda umamin. Mayroong natutuwa atsaka kinikilig pa. May iba namang hindi at naiinis.

Hindi ko masyadong pinagtuunan ng pansin ang bagay na iyon pero kakausapin ko si Ryle about that pagkatapos. Gusto ko munang magfocus sa event na magaganap.

Ang booth na naisip ng section namin ay horror booth pero ang twist magjowa, magka-talking stage at walang label lamang ang puwede. Tapos ang thrill mastuck din sila sa isang room kung saan sila lamang ang naroon at wala ng iba pa. Isang oras silang naroon pero isa sa kanila ang may alam kaya chance nila iyon para maglandian. Sila ang nakaisip no'n. Nag-ambag lang ako sa mga gastusin.

"Ipakasal ko kayo ni Ryle!" sabi ni Divina, bakas ang kilig sa mukha.

"Huwag na," sagot ko.

Gusto ko totoong kasal talaga ang mangyayari sa aming dalawa.

Inirapan niya ako. "Ang killjoy mo naman!"

"Ikaw bahala," sabi ko na lamang.

Naghiwalay na din kami ni Divina. Tumulong ako sa pag-aayos ng aming booth. Baka sabihin ay walang masyadong ambag. Sayang din ang grades kapag hindi nasali ang name ko sa listahan.

Naging maayos ang araw ko ngayon. Nakijoin ako sa mga kaklase ko. Agaw atensyon nga kami dahil sa mga tawa naming umalingawngaw pero wala kaming pakialam lalo na si Jaja na sobrang ingay.

Hindi namin nakasabay ngayon ang boys sa pag-uwi dahil sobrang busy nila. Sabay-sabay daw ang mga ginagawa nila ngayon. Gusto man nila kaming ihatid pero hindi pa sila puwedeng umuwi at naintindihan naman namin kasi college na sila at iba ang responsibility nila sa amin.

The Story of UsWhere stories live. Discover now