"Chanda?" Nagtatakang tawag ko ng siya ang maabutan dito sa rooftop.Akala ko ay si Ryle ang nandito kasi iyon ang sabi sa akin nung lalaking nakasalubong ko.
May kanya-kanyang ginagawa ang lahat ng studyante, mas maraming students sa gymanisium kasi nagsisimula na ang mga palaro doon. Kami ang next batch para sa volleyball.
After pumarada at opening ng ceremony ay nagsimula na ang pagbubukas ng mga booth at mga palaro.
"Nasaan si Ryle?" I asked.
Tinitigan niya ako. Ang maamong mukha ay naging maldita.
"Wala dito si Ryle at huwag mong hanapin dahil busy iyon," sabi niya.
So siya ang nagpatawag sa akin? Ano bang gusto niya?
"Gano'n ba. Aalis na ako," sabi ko pero agad siyang nagsalita.
"May gusto lang akong sabihin sa iyo Felianna kaya kita pinatawag dito. Alam kong agad kang pupunta kapag narinig mo ang pangalan ni Ryle."
Kinalma ko ang sarili. Taas noo ko siyang tiningnan. Casual ang aking mukha at hindi nagpapakita ng kung anong kakaibang emosyon.
"Ano ba iyong sasabihin mo at nag-effort ka pa talaga?" I said casually.
Naging seryoso ang mukha niya. "Alam mo naman na umamin ako kay Ryle."
I smiled. "Oo, alam ko. Usapan ng lahat iyon. Sinabi din ni Ryle sa akin lahat."
Nanatiling gano'n ang kanyang mukha. "Sana alam mo din na binigyan niya ako ng pagkakataon na patunayan ang sarili ko sa kanya na ako ang deserving at hindi ikaw."
Umangat ang kilay ko. Naging maldita ang aking mukha. Nagpantig din ang aking mga tainga sa narinig.
"Paano ka magugustuhan ni Ryle kung pabigat ka sa kanya? Kung simpleng gawain atsaka pagluluto ay hindi mo magawa? Kung sa kanya mo iaasa ang lahat imbes na ikaw ang gagawa. Hindi ka ba naaawa kay Ryle, Felianna? He's busy person. Sobrang hardworking niya. Pinagsasabay ang pag-aaral atsaka trabaho, tapos dumagdag ka pa sa kanyang isipin?"
Hindi agad ako nakaimik. Lumalim ang paghingang nararamdaman ko. Lahat ng sinabi niya ay totoo. Tapos parang kilala niya talaga si Ryle.
"Baka hindi mo alam ang bagay na iyon? Ngayon alam mo na kaya sana huwag mo siyang pahirapan pa. Maawa ka naman kay Ryle," sabi niya.
Imbes na ilabas ang inis ay ngumiti ako ng matamis. "Chanda, alam kong gusto mo si Ryle pero hindi ko akalain na ganito pala ang nararamdaman mo para sa kanya to the point na sinasabi mo sa akin ang mga bagay na iyan. Una sa lahat Chanda si Ryle mismo ang nagkukusa. Hindi ko hinihingi sa kanya ang mga bagay na ginagawa niya para sa akin kaya anong pinagsasabi mo diyan? Pangalawa, hindi ako pabigat sa kanya. Nabubuhat niya nga ako."
Umasim ang kanyang mukha. Napatingin din ako sa kanyang mga kamah na siyang napakuyom.
Nainis na again siya sa sinabi kong iyon sa kanya? Wala pa nga ako sa kalahati ng mga salitang isasampal ko sa kanyang pagmumukha.
"Hindi ka ba nagtataka kung bakit ginagawa niya iyon sa‘yo kahit na hindi ka naman niya gusto? Hindi ka naman niya mahal? Tinanong mo din ba siya kung anong nararamdaman niya tuwing nagiging pabigat ka sa kanya? Minsan ba tinanong mo siya kung anong nararamdaman niya sa araw-araw na pagod siya? Baka hindi kasi ang alam mo lang ay landiin siya at maging pababy sa kanya."
Naging sarcastic ang kanyang boses. Napabuntong hininga din ako. Ayaw ko siyang patulan pero apektado ako sa bawat salitang binibitawan niya.
"Baka nga wala kang alam tungkol sa nangyayari sa buhay niya kapag wala ka. Oh talagang wala ka naman talagang pakialam sa kanya? Hindi ikaw ang babaeng nararapat para sa kanya dahil ikaw ang magpapabagsak kay Ryle. Masyado kang umaasa sa ibang tao. Hindi mo kaya magsolo. Kailangang may ibang taong aalalay sa iyo."
YOU ARE READING
The Story of Us
RomanceSollano Brothers parents story. Maria Felianna Escudero, a fearless woman, campus crush, and the top student in her school. Everybody admires her, and she enjoys her life. But things take a turn when she meets Ryle Yieler Sollano, a mysterious guy...