Chapter 9

1K 12 0
                                    


Pagdating namin sa park marami na agad ang mga tao. Bukas na din ang ibang mga ilaw na siyang nagdagdag ng ganda sa paligid. May playground na para sa mga bata. Hiwalay ang para sa kagaya namin. Isang fountain agad ang makikita mo pagpasok pa lamang. Nakakatuwa at nag-iiba ng kulay ang tubig dahil natatamaan ng ilaw na nakapalibot sa gilid nito.

"Ang ganda nga dito! Kailangan nating mag-picture!" Tuwang sabi ni Mary na parang batang namamangha sa nakikita.

"Tara, picture muna tayong dalawa..." rinig kong sabi ni Achie dahil nasa likuran lang kami.

Napakunot ang noo ko dahil kakaiba ang tingin niya kay Mary, pero pinagsawalang bahala ko na lamang.

Inikot namin ang buong parke. Hindi pa din tinatanggal ni Ryle ang kanyang kamay sa kamay ko. Hinayaan ko na lamang.

Hindi ko din maiwasan na mamangha kasi marami kang puwedeng pagpicturan. May mga standee din ng mga k-pop idol ang nakakalat sa kung saan-saan.

"Picturan kita, baby..." bulong ni Ryle sa akin.

Nilingon ko siya. "Ayaw ko. Huwag na,"

"Why?" paos niyang tanong.

"Wala lang," sagot ko.

Hindi ako into pictures. Sa amin si Mary ang mahilig magpicture ng kung ano-ano. Sa bawat gala namin dala lahat kinukuhanan niya ng larawan.

"Isa lang, please..." lambing niya.

"Sige na," mahinang sabi ko. I saw his smile.

Sino bang makakatanggi sa guwapong lalaking ito?

He took his phone on his pocket. Nakangiti siyang kinuhanan ako ng litrato. Nagpose naman ako ng kung ano-ano. ‘Yong isa lamang pero umabot ng marami.

"Kayo namang dalawa po!" sabi ni Mary na lumapit kay Ryle.

Lumapit si Ryle sa akin. Inakbayan niya ako. Humarap kami sa camera. Tuwang-tuwa si Mary habang kinukuhanan kami.

Humarap kami ni Ryle sa isa't-isa. Nagkatitigan. Tumawa ng pagak pagkatapos. Kung ano-anong pose ang ginawa naming dalawa pero ang pinakanagustuhan ko ay nung halikan ako ni Ryle sa noo at ilong.

It so sweet for me. Para kaming couple talaga.

Label lang kulang.

"Kami din po!" sabi ni Mary at hinila si Achie.

Kinuhanan namin sila ng litrato na dalawa. Nakapaeace sign si Mary gano'n din si Achie pero nasa ulo ni Mary tapos nakadila pa siya. Makulit din ang dalawa.

Sobrang photogenic nila kung pagmamasdan mo.

"Tayo namang lahat!" malakas na sabi ni Divina at may kinausap siyang isang lalaki.

"Kanya-kanyang post!" sabi ni Jaja.

Magkakatabi kaming lahat. Nakahawak si Ryle sa baywang ko gano'n din ako sa kanya. Binuhat naman ni Dychi si Dixon. Natatawa na lang kami kasi nalaglag pa si Dixon. Maging ‘yong kumukuha ng larawan natatawa din at ibang napapatingin sa amin.

Nasa likod ni Achie si Mary. Nakapiggy back. Magkatabi naman si Divina at Chester. Magkaharap naman sina Jaja at Lily sa isa't-isa.

Ngayon ko na realize na masarap kami kuhanan ng litrato. Isang memorya na hindi mabubura dahil nakatatak sa isipan naming lahat.

Nakakatuwa na may mga kaibigan akong kagaya nila. Na may ganitong friendship sa pagitan namin. Tipong sa iba-ibang paraan kami nagkakilalang lahat.

Iba't-ibang pose ang ginawa namin. Mayroong buhat ako ni Ryle ng bridal style tapos nasa magkabilang gilid sila at nakatingin sa akin. Mayroon din sina Achie at Mary na gano'n. Even Divina and Chester tapos sina Dixon at Jaja tapos si Dychi at Lily.

The Story of UsWhere stories live. Discover now