Chapter 13

1K 15 0
                                    


Maaga akong nagising. Mga tulog mantika pa sila. Si Ryle ang una kong hinanap pero wala siya. Mas maagang nagising sa akin.

Nagtungo ako sa banyo at nag-ayos ng aking sarili. Pagkatapos ay lumabas na ako. Hindi ko sila ginising na. Hinayaan kong matulog ng mahimbing.

Habang pababa ako ng hagdan ay hindi ko maiwasan na isipin ang ginawa namin ni Ryle. Namumula na lamang ako. Mabuti na lang at kagat ko ang labi ko kaya hindi ako dumadaing ng malakas pero ang hirap din na hindi pakawalan. Mabuti na lamang at hindi sila nagising kung hindi makikita nila kung paano ako paligayahin ni Ryle gamit ang kanyang mga daliri atsaka bibig.

Shit, Felianna. Agang-aga kung ano-ano na naman ang iniisip mo. Hindi ka na nahiyang babae ka.

Napahinto ako sa pagpasok sa kusina ng matanaw na naroon si Ryle kausap si Daddy na hawak na naman ang paboritong tasa at mayroon din si Ryle. Mukhang nag-uusap silang dalawa pero hindi ko marinig. Naroon din si Mommy na siyang naghahanda ng almusal.

Nagsimulang sumibol ang kaba sa dibdib ko at baka kung ano na ang sinasabi at tinatanong ni Daddy, pero base sa mukha ni Momny na nakangiti ay mukhang hindi tungkol sa akin.

Sana hindi sila makahalata. Sana din walang masabi si Ryle na kung ano sa kanila dahil talagang katapusan na naming dalawa. Wala na ang maliligayang araw namin at masayang pagsasama.

Umayos ako at pumasok.

"Good morning, Daddy, Mommy," malambing bati ko. I kissed them in cheeks.

"Good morning, sweetie. How's your sleep?" Daddy asked with his soft voice.

"Ayos naman po Daddy. Maingay lang po kami kagabi." I confessed.

Daddy chuckled. "It's okay, sweetie. As long as you're happy. Nag-enjoy naman kayo?"

I smiled widely. "Super po!"

Gusto kong sabihin na ang ibig kong sabihin ay ang ginawa namin ni Ryle pero baka ano gawin sa akin. Hindi ko puwedemg isaliwalat ang kalandian ko.

Yari talaga ako.

"That's good, anak. Ngayon ba sila uuwi?" Mommy asked.

"Mamayang gabi pa po Mommy. Papahatid ko na lang po sa driver po kasama po ako," magalang sagot ko. She nodded.

Inilapag niya sa harapan ko ang milk.

Napasulyap ako kay Ryle na tahimik  pero casual ang mukha.

"Engineering student pala itong kaibigan mo anak. Matalino pa," sabi ni Mommy bigla.

Iyon siguro ang kanilang pinag-uusapan. Tinanong siguro si Ryle.

Napatingin ako kay Ryle na nakatingin din sa akin. May maliit na ngiti.

"Opo, Mommy. Siya po pinakamatalino sa aming magkakaibigan," proud kong sabi.

Gusto kong ipagmalaki si Ryle sa kanila. Kung gaano din ito ka hardworking sa pag-aaral. Kung paano siya maging independent sa buhay. Hindi lang matalino kundi may respeto din. He knows how to treat and handle a woman. Hindi lang siya mabait sa akin kundi sa iba na din pero kapag kasama ako doon niya lang nilalabas ang totoong ugaling mayroon siya.

Masungit sa ibang babae pero sa akin hindi. Nung una lang naman. Simula ng fling na kasi kami nag-iba na siya.

"Mabuti naman at maayos ang mga kaibigan mo, anak. That's good. Marami kang matutuhan sa kanila. Akala ko pa naman hindi maayos na lalaki but I know you. Magaling kang pumili ng mga kaibigan," Mommy smiled  at me. I smiled back.

Kung alam mo lang Momny na hindi lang kaibigan ang turing ko kay Ryle dahil higit pa doon ang nararamdaman ko, pero palagi kong  inaalala ang mga sinasabi ninyo sa akin  kaya hindi ako nangunguna.

The Story of UsWhere stories live. Discover now