Chapter 16

911 11 0
                                    


I want relationship that I can still do my best in. Not a relationship where I feel I have to leave in order to focus on myself. I wanna focus on myself right there with him and feel secure about it.

Being inlove is not easy. Para kang nababaliw na ewan na bigla na lamang ngumingiti dahil sa kilig at sayang nararamdaman kapag kasama mo siya at nakikita. Tipong buo na ang araw mo kapag nariyan siya.

Sabi ko noon hindi ako papasok sa isang relasyon na hindi pa ako handa at hindi standard ang lalaki. Pero ngayon gustong-gusto ko  na dahil kay Ryle. But it's hard to confessed my feelings for him. Ang hirap.

Pero ang dali lang sa iyo Felianna na landiin siya.

I sit by the window, watching the rain fall outside, and my thoughts drift back to Ryle. I can’t help but wonder what our future might look like. I think about the moments we could share—lazy Sunday mornings, quiet dinners, and the simple, everyday things that make life special.

What if we had our own little world, just the two of us? I imagine us laughing over shared jokes, supporting each other through life's ups and downs. I see us growing together, learning and evolving as a couple. It feels like a dream, but it’s a dream I can’t let go of. The idea of us building a life together fills me with hope and excitement, even though I know it’s not guaranteed. Still, I can’t help but hope that someday, this dream might come true.

Ang dami ko na agad iniisip para sa aming dalawa kahit na hindi ko naman alam kung mangyayari ba o hanggang pangarap ko lang.

"Fely girl. Hoy!" Napakurap ako at napatingin sa kanila.

Lahat sila nakatingin sa akin na may pagtataka ang mga mukha.

"Bakit?" I asked casually.

"Anong bakit ka diyan. Kanina ka pa namin tinatawag pero wala ka sa sarili mo. Ano ba iyang iniisip mo?"

Natigilan ako. Masyado na atang naging malalim ang pag-iisip ko kaya hindi ko na namalayan na nariyan na pala sila.

"Wala naman. Tapos na ba klase?" tanong ko.

Napadaing aki ng pitikin ni Divina ang aking noo.

"Hayan, kung ano-ano pa ang iniisip kaya hindi alam. Kanina pa tapos ang klase kaya tara na." Anyaya nila.

Ngumuso ako at inayos na ang aking bag. Lumabas na kami.

"Wala akong dalang payong," si Lily.

"Mayroon po ako pero iisa lang po," magalang sagot ni Mary.

"Patilain na lang natin kahit paano," sabi ko na lang.

Naglakad na kami sa hallway palabas nang may makasalubong kaming isang lalaki na papunta sa amin.

"Felianna!" tawag niya sa pangalan ko para mapahinto kaming  lahat at mapatingin sa kanya.

Nakahawak siya sa kanyang magkabilang tuhod habang hinihingal. Nagtataka kaming nakatingin sa kanya.

"Okay ka lang po?" magalang tanong ni Mary.

Napahinga nang malalim ang lalaki atsaka umayos ng pagkakatayo.

"Felianna, nakikipag-away si Ryle sa gymanisium. Hindi siya maawat ng mga naroon. Nakisali na din mga kaibigan," sabi niya sa amin.

My eyes widened.

"Sinong kasuntukan?" Jaja asked. Nanlalaki din ang kanyang mga mata.

"Tangina, iyan pa talaga tinanong. Pumunta na muna tayo doon," sabi ni Lily.

Nauna na akong maglakad sa kanya. Grabe ang kabog ng dibdib ko dahil sa nararamdaman. Tinawag pa ako nung nagbabantay dahil basta na lamang akong pumasok pero hindi ko na lang pinansin iyon. Nagpatuloy ako sa paglalakad.

The Story of UsWhere stories live. Discover now