Maaga akong nagising atsaka nag-ayos ng sarili ko. Maging si Mommy and Daddy maaga ding nagising. Nauna pa nga sila sa akin, e.Nagluluto si Mommy ng makakain namin tapos inutusan niya din ang mga kasambahay na ihanda ang mga nakatagong mga namahaling plato na nilalabas lamang kapag may okasyon.
Amoy ko na agad ang sopas. Sabi ko kasi isa sa paborito namin iyon. Sabi ko kasi madalas naming kainin ‘yon sa isang karinderya na siyang pinupuntahan namin madalas. Nagkuwento ako sa kanila gabi hanggang sa nakatulog ako sa gitna nila. Hindi na ako nakabalik sa kuwarto ko. Hinayaan naman ako na matulog katabi sila.
First time ko ulit makasama sila sa pagtulog.
"Good morning po, Daddy, Mommy!" Masayang bati ko.
"Good morning din, sweetie." Daddy greeted.
Hawak niya ang isang tasa na mukhang may lamang kape. Coffee lover kasi si Daddy.
"Anong oras ang mga kaibigan mo anak?" Mommy asked.
"Nandiyan na po sila mamaya Mommy. Excited po sila kaya maaga din po nagising!" I said while smiling.
Excited na din akong makasama sila kahit na kasama ko naman palagi.
"Halata nga. Maging ikaw excited," Mommy said and smiled at me.
"Syempre naman po, Mommy. Thank you po sa inyo ni Daddy kasi pinayagan ninyo po ako at sila," I said.
Daddy looked at me with his half smile. He's sitting in the chair. "It's your happiness, sweetie."
"I love you po!" tuwang sabi ko.
Naglinis ako sa kuwarto ko kahit na hindi naman magulo. Mga alikabok lamang. Inayos ko din ang ibang mga gamit at inipod ang sofa sa gilid para may space sa gitna kung saan tapat ng tv. Nakangiti ako, awang ng bahagya ang labi habang hinahanda din ang mga kailangan namin mamaya sa pagtulog. Nagready din ako ng ibang mga susuotin namin nina Divina mamaya.
Ipinadala ko din sa kanila ‘yong couple shirts namin. Sayang at hindi namin naisabay ang boys kaya wala sila.
Napaigtad ako sa gulat ng may kumatok sa pinto.
"Ma'am Felianna, nandiyan na po ang mga kaibigan mo. Bumaba ka daw po saba ng Mommy mo," sabi ng kasambahay sa labas.
"Bababa na po! Salamat po!" sagot ko sa kanya.
Mabilis akong nag-ayos ng buhok. Naglagay din ako ng liptint sa aking labi atsaka ako bumaba.
Naabutan ko sila sa sala. Muntik na akong matawa dahil sa kanilang mga itsura. Nakahawak si Divina sa kanyang suot na skirt na akala mo nahihiya. Nakasiksik naman si Mary kay Achie habang nakayuko. Iniikot naman nina Jaja at Lily ang mga paningin. Maging ang boys ay mga tahimik.
Tiningnan ko si Ryle. My jaw dropped when I saw him. Prenteng nakaupo habang nakasuot ng black shirt polo at nakapants. Nakahawi ang buhok sa gitna at tahimik.
Shit. Guwapo si Ryle palagi pero iba ang kaguwapuhan niya ngayon!
Gusto kong tumakbo papunta sa kanya atsaka yakapin. Nagpigil ako ng sarili dahil baka mahalata kaming dalawa.
"Ang babait ninyo naman!" puna ko. Napalingon sila sa akin.
"Nakakahiya, Fely," sabi agad ni Divina.
I chuckled. "Lah, may hiya pala kayo? Parang hindi kayo nakakapunta dito, ah."
Inayos ko ang suot kong dress na above the knee. Kulay green iyon. Pasando ang kanyang style.
"Fely, naiihi ako. Saan banyo?" si Dychi na napatayo na.
"Hah! Naiihi ka kaagad? Nahihiya ka lang, e!"
YOU ARE READING
The Story of Us
RomanceSollano Brothers parents story. Maria Felianna Escudero, a fearless woman, campus crush, and the top student in her school. Everybody admires her, and she enjoys her life. But things take a turn when she meets Ryle Yieler Sollano, a mysterious guy...